Kabanata 18

59.7K 2.2K 990
                                        

Olivia's POV

Nagising ako dahil sa sobrang lamig. Kahit na may mainit na nakayakap sa'kin ay hindi pa rin nababawasan ang lamig na nagmumula sa electric fan.

Parang wala nga lang dito sa katabi ko at komportable pa niya akong yakap-yakap.

Halata ring ang lalim ng tulog niya 'ha.

Kahit matigas ang hinihigaan namin nakatulog pa rin siya ng maayos.

Good for her then.

Plano kong ilibot siya sa bayan. Ilang araw lang ang meron kami kaya susulitin ko na, though mas gusto kong makipag bonding kay mama pero may susunod pa naman.

Minsan lang naman ito kaya susulitin ko na rin. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Sorandelle na nakapulopot sa baywang ko, saka tumayo.

Lumabas na ako ng kwarto para mag hilamos, masyadong malamig para maligo ng ganito kaaga. Alas singko pa lang naman ng umaga.

Kapag nandito ako sa probinsya ay maaga talaga akong nagigising, hindi ko rin alam kung bakit pero kapag nasa manila naman ay halos hindi na ako mahiwalay sa kama ko.

Naabutan ko si mamang nagka-kape.

"Kape anak, gusto mo?" Tatayo na sana ito pero umiling lang ako bago tumuloy sa ref at kumuha ng Chuckie. Nakarinig naman ako ng sermon kay mama pero slight lang. Kesyo mainit daw muna ang inumin ko at huwag ang malamig.

Bakit ba kasi, minsan na nga lang ako uminom ng ganito dahil sa nagtitipid nga ako.

"Dito ka muna ha. Bibili lang ako ng pandesal.." medyo maliwanag na rin sa labas at may mangilan ngilan ng naglalakad sa kalsada.

May mga motor na ring maagang bumyahe dahil nagde deliver.

"Ako na ho.." inubos ko lang ang iniinom saka itinapon sa basurahan at lumabas.

Wooahh, ang lamig.

Ikinuskos ko ang dalawang palad sa sobrang lamig saka idinikit sa pisnge. Ang ganda ng tanawin sa probinsya namin. Mga tao lang talaga ang nakakasira.

Medyo sa may dulo pa ang panaderya rito. Masarap ang pandesal sa kanila, medyo malalaki rin. Tapos parati pang bago. Lalo na kapag ganitong oras.

Nadaanan ko rin si Aleng Marta na ang aga-aga ay nagwawalis na agad.

Ngumiti ito ng makita niyang papalapit ako.

"Nasan 'ho si Karen?" Si karen ay ang classmate ko noong highschool, naging kaibigan ko rin ito at lagi akong binibisita sa tuwing umuuwi ako rito sa'min.

Hindi na nga lang siya nag tuloy sa college at nag trabaho na. Sales lady sa supermarket sa bayan.

"Ay naku tulog pa, gigisingin ko.." akma itong papasok ng pigilan ko.

"Wag na ho, paki sabi na lang ho na bibisita ako sa kanya mamaya..." Wala naman akong maibibigay sa mga kapit bahay na malalapit sa'min dahil nag aaral pa ako.

Siguro kapag nakapag trabaho na ako saka na lang. Balak ko rin kasing mangibang bansa at kahit na hindi ko man aminin. Umaasa akong makikita ko ang tatay kong runner.

Walang sinabi si Mama patungkol sa kanya, ang sabi niya lang ay isang foreigner ang tatay ko kaya ganito ang itsura ko. Kahit nga picture, hindi ako binigyan ni Mama.

Sa kwarenta lang ang binili ko dahil tatlo lang naman kami, pauwi ako ng makasalubong ko si Joven na mukhang sabog pa at walang damit pang itaas.

Ngumiti ito sa'kin ng malaki bago kumaway, mukhang inutusan ding bumili pero dahil pauwi na ako ay sumabay naman siya.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon