Kabanata 25

52.1K 1.6K 538
                                        

Olivia's POV

Nakasimangot na lumabas ako ng banyo, bihis na ako at handa na sanang umalis. Ang kasama ko na lang ang hinihintay ko pero naalala kong pumuntang banyo at mag salamin.

Tapos nakita ko itong ginawa ng babaeng ito.

Iyong kakaunting marka ko kahapon ay biglang dumami, kitang kita dahil naka V-neck shirt ako.

Kung hindi pa ako pumasok ng banyo ay baka pumasok ako ng L.I.S na kitang kita ang mga marka sa leeg ko.

Nakakainis.

Ginusto mo naman.

Kahit na, nakakainis pa rin.

"What happened to you?" Wag mo akong ma-what happened, what happened jan Sorandelle. Hindi ka nakakatuwa.

"Pahiram ng concealer." Nakasimangot na inilahad ko pa ang kamay ko sa harapan niya.

"For what?" Inis na napapadyak ako. Alam niya naman na ang tinutukoy ko eh.

"Sabi kasi sayo na wag akong lagyan ng ganito eh." Napapapadyak na lang ako sa inis. Binitawan niya ang hawak na lotion at tiningnan ako.

"What's wrong with that?" She even crossed her arms under her chest at mataray akong tiningnan.

"Sorandelle, papasok ako. Aasarin na naman ako nito pag nakita nila." Inirapan niya ako bago ako talikuran at kinuha ang hinihingi ko.

"Want me to help you?" Malamig na tanong niya, parang labag pa sa loob.

Umiling lang ako bago bumalik sa banyo at tinakpan nang concealer ang mga markang iniwan niya.

Ang sabi niya matutulog na kami kagabi eh, scam ang bruha.

Pinapak na naman ang leeg ko.

Nasasanay na tuloy ako.

"Let's go?" Ang ganda na nito sa suot na business attire. Parating ganyan, pero bawat araw ay iba ang kulay. Bagay na bagay sa kanya. Lalo na kapag purong puti ang sinusuot niya. Ang linis tingnan.

Inayos ko ang lanyard ng camera bago maingat na ipinasok sa bag. Wala akong balak dalhin ito pero ipinilit ni Sorandelle, sana lang huwag pagkaguluhan nina Sacha.

"Tara na..." pag-aaya ko. Hawak kamay kaming bumaba ng building.

"Ipapasundo kita mamaya, I have some errands today." Tumango ako, mas mabuti nga iyon. Balak ko kasing magpatulong kina Yaena na makausap si Avery, lalo na at nag aalala ako rito.

Wala akong narinig mula sa kanya, sinubukan ko siyang tawagan kaninang pagkagising ko pero out of coverage na ang number niya. Kaya I'm thinking na manghingi ng tulong sa mga kaibigan namin.

Natawagan ko na rin si Chin at nangako akong uuwi ako sa dorm mamaya. At dahil mukhang magiging busy din si Sorandelle ay mamaya na ako magpapaalam through phone.

"Take care." she give me a peck on my lips before opening the door for me.

"I-ikaw rin." Naghahalikan naman na kami pero nabibigla pa rin ako minsan.

****

"May napapansin ako sayo." Si Yaena. Wala si Avery, hindi na pumasok. Nakakalungkot mang-isipin pero baka tuluyan na siyang umalis nang bansa na hindi nagpapaalam sa mga kaibigan namin.

Nginiwian ko siya sabay liyad para mapalayo ang mukha nito sa mukha ko.

"Ano?"

"Blooming ka." Tumawa si Sacharelle.

"Malamang, ikaw ba naman magkaroon ng love bite—shit, babe. Masakit." Deserve.

"Tigilan niyo nga ako." Hindi ko pa nasasabi ang favor ko kay Sacharelle, mamaya na lang siguro. Busy kasi siya masyado kakaasikaso kay Syche na kanina pa nagtataray.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon