Kabanata 44

64.7K 1.9K 1.1K
                                        

Olivia's POV

Hindi ako mapakali habang nagbibihis, tinawagan ko pa si Sacha para mang-hiram ng isang pares nang damit.

Sinubukan kong tawagan si Sorandelle pero out of coverage na iyong linya niya, hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang galit niya sa'kin kanina.

Nang si South naman ang tinawagan ko para itanong kung nasaan si Sora, hindi niya raw alam dahil nasa Korea pala ang bruha.

Kaya naman panay ang baling ko sa paligid habang hinihintay si Zeran. Dala ko ang DSLR ko kaya may napaglilibangan ako habang naghihintay.

Saktong pag-dapo ng lens ng camera ko sa dagat ay siya namang pag-dating ni Zeran at sumama pa talaga sa dapat na kukuhanan ko, hindi ko na lang sinita at basta ko na lang na pinindot ang shutter button.

Tiningnan ko ang picture na nakuha ko, saka lumapit sa'kin ang babae.

"Ganda no?" tanong nito matapos makisilip.

"Oo.." wala sa sariling sagot ko.

"Maganda kasi ako." Awkward na tumawa lang ako.

Binalingan ko ito ng tingin at pinag-masdan siya. Ang ganda niya sa suot na summer pants and padded top. Nag kibit bilikat lang ako.

"Let's go?" pag-iiba ko sa usapan.

"Nice outfit." Pahayag niya. Tumawa naman ako, nakasuot kasi ako ng summer Short at pinaresan ko ng  cropped camisole top. Kita ng bahagya ang tiyan ko. Ito ang pinahiram sa'kin ni Sacharelle kaya hindi na ako nag reklamo.

"Thanks."

"Aren't we going to eat first?" Sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng gutom, ngumiwi ako.

"Uh, let's go at the nearest restaurant?" Bukas pa kasi magsisimula ang photoshoot nila. Pinapaayos pa ni Sacha ang venue.

Tumango siya at nauna nang nag-lakad papunta sa restaurant na itinuro ko.

Hindi nagawang ipasara ni Sacha itong hotel for four days, marami raw kasi ang nag book kaya tumanggi ang may-ari sa balak ni Sacha na pag-renta ng buong resort; for sure maraming manunuod niyan bukas. Lalo na at summer theme pa.

Hinayaan ko siyang mag-order ng kakainin namin, sinabi ko na kung pwedeng bilisan lang namin dahil nagmamadali ako.

Yung tono kasi ng boses kanina ni Sorandelle, parang papatay talaga. Am I being OA? Hindi naman siguro, sadyang nasobrahan lang sa pag babanta si Sora.

Mabuti naman at hindi gaanong kumain ng marami si Zeran kaya mabilis lang din kaming naka alis. Nilakad na lang namin papuntang market. Malayo ang mall dito at lumaki naman akong nagsusuot ng damit na galing sa market kaya sa market ko siya inaya.

Madalas nga na damit ko noon ay galing lang ukay-ukay. Kasama araw-araw ang may-ari ng damit na nabili.

"Can I borrow your camera, Via?" biglang tanong nito. Nag dadalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba o hindi.

Kabibili lang sa'kin ni mére nito eh, iyong pinaka mahal pa.

Hinubad ko sa leeg ang lanyard at inabot sa kanya.

Sinabihan ko pa siyang isuot niya dahil baka mabitawan niya pero tumawa lang siya at sinabing mabilis lang naman kaya hinayaan ko na.

Inaalalayan ko na lang siya sa tuwing humihinto siya para kunan ang sa tingin niya ay magandang kunan.

"Maganda.." saad ko ng ipakita niya sa'kin ang isang puno na may naka tambay na couple. Maganda ang pagkaka-kuha niya. Hindi rin tinipid sa view dahil sa ganda at lawak ng dagat.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon