Olivia's POV
"Mommy!"
"Tumigil ka!"
"I want mommy.."
"Sabing tumigil ka eh."
"Mére, mére, mére, mére...I want mommy!"
"Titigil ka o ihuhulog kita rito? Mamili ka?"
"Mére!!"
"You will suffer as much as I do. Ikaw ang kabayaran ng kawalang hiyaang ginawa sa'kin ng mga magulang mo."
°°°°°
Ramdam ko ang takot ng magising ako, what was that? Ako ba ang batang iyon? Bakit ko paulit ulit na tinatawag ang pangalan ni Mére?
"Baba ka na Miss, hanggang dito na lang." Napatingala ako sa taong nag-salita. Ang kondoktor pala. Tumango ako at dali daling bumaba.
Isang bus pa ang sasakyan ko para makauwi sa'min. Hindi ko alam kung anong oras na pero sa tingin ko ay gabing gabi na.
Nagugutom na ako.
Kaninang pananghalian pa ang huling kain ko.
Napatingin ako sa perang hawak ko, lampas dalawang libo pa ito at aabot pa ako sa probinsya namin. Naghanap ako ng pwedeng makainan.
Mabuti na lang at kahit hating gabi na ay marami pa ring bukas na karinderya na malapit sa terminal ng bus. Pinili ko ang hindi masyadong ma-taong lugar at bumili ng kanin at ulam.
Napapayuko na lang ako sa tuwing tumitingin sa'kin ang babaeng nags-serve at ibang kumakain sa loob.
Wag nilang sabihing kilala rin nila ako? Dapat pala bumili muna ako ng sumbrero man lang. Hindi pa nakakatuwang ganito ang suot ko.
Amanda ano bang ginawa mo kasi?
Malapit na akong matapos ng lumapit sa'kin ang mamang tingin ko ay nasa edad kwarenta anyos na.
"Miss? May itatanong lang ako—" hindi ko na siya pinatapos, dali-dali akong uminom ng tubig at umalis. Hindi ko na nagawang bayaran ang kinain ko. Babalik na lang ako rito sa susunod. Kung may susunod pa.
"Yan iyong Olivia...dali itawag niyo sa mga pulis."
"Uy tumawag kayo ng pulis."
"Bilisan niyo, baka makatakas."
"Harangin niyo."
"Tumawag na kayo ng pulis. Sayang ang pabuya."
"Hoy makakaalis na."
Mas lalo akong kinabahan sa mga naririnig ko kaya dali-dali akong tumakbo sa hindi ko alam kung saang lugar.
Kung ituring nila ako ay para akong isang kriminal.
Gusto ko ng maka-uwi sa'min. Gusto ko ng makita si mama, alam kong safe ako sa kanya. Kay mama ko gusto.
Gusto ko ng umuwi.
Umiiyak na nagpatuloy ako sa pag-takbo hanggang sa may isang pares ng kamay ang humablot sa'kin.
Sisigaw na sana ako ng takpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.
"Ahmm hmmm ahmm..." Nagpumiglas ako pero agad ding natigil ng makita ang mga taong humahabol sa'kin.
"Hanapin niyo, sayang ang pera."
BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Ficción GeneralStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22
