Olivia's POV
Nakangiting inayos ko ang lanyard ng camerang dala ko. Dadaan muna ako sa flower shop para kunin ang bulaklak na ibibigay ko kay Sora.
It's been a week since I've decided to court her. Pinalayas ba naman ako sa office niya ng tanungin ko kung pwedeng manligaw.
Gano'n siguro talaga kapag tumatanda na, hindi naman siya masungit noon eh, ngayon grabehan ang kasungitan.
Napapansin kong ayaw na ayaw niya sa mga isinusuot ko kaya para mas asarin siya ay sinasadya ko.
This isn't actually my usual clothes. Nakasanayan ko lang sa pinsan kong si Cane. Sa side ni mommy.
Nagkakilala kami sa France, nandoon kasi silang lahat. They help me recovered at sobrang naging close ko sila. Even Cien na rito sa pilipinas nakatira.
Dinalaw ko nga siya last monday.
"Ang swerte naman ng mama niyo, ma'am." Kumunot ang noo ko matapos makapag bayad.
"Mama?"
"Opo?"
"Why?" Cause she has a daughter like me? Naman, ako na kaya ito.
"Araw araw niyo pong binibigyan ng bulaklak." Halos mabitawan ko ang bulaklak na iniabot niya sa'kin sa gulat dahil sa narinig.
Ha. Sa isang linggo kong pabalik balik dito ay akala nilang ibinibigay ko kay mama ang bulaklak?
Hala siya.
Sa bagay.
"Yeah, my mommy is in deed lucky." Syempre, iyong mommy na pwedeng maging mommy ng mga magiging anak ko.
Crap.
Si Avery ang may pakana nito eh. Sabi niya bot na bot daw ako kaya hanggat hindi ko pa naiisipang bumalik ng pilipinas ay gawin ko ang lahat para mag-bago.
Gagi, ang hirap kaya mag patangkad, araw-araw kaming nagi-gym ni Cane para lang umangat man lang iyong height ko.
True bebs, nakaka panliit noong magising ako mula sa comma, literal na pandak ako ng makilala ko ang mga pinsan ko.
Binigyan naman ako ni Cane ng exercises routine na gagawin ko araw-araw para tumangkad daw ako kahit papaano.
Andoon pa nga si Vynill, iyong sinasabi nina Sacharelle na kamukha kong naghahanap sa'kin.
Nalaman daw kasi nilang nahanap na ako nina mére pero ayaw namang sabihin sa kanila kaya sila na ang pumunta ng pilipinas pero nalaman ito ng parents nila kaya agad silang pinabalik ng France.
Sana all—pumupislit para pumunta ng ibang bansa. Ako kasi dati pumupuslit lang para umakyat sa manggahan kasama si Karen e.
Si Avery naman, nakwento niya sa'kin na kagagawan ni Sorandelle kung bakit siya pinadala sa Canada ng mga magulang niya. Ang babaeng iyon, baliw na baliw sa'kin. Pati kaibigan ko dinamay. Pero kung makapag sungit ngayon akala mo nasa menopausal stage na ang lola niyo eh.
Nagkita kami ni Ave 3 years ago, nag kausap at naging mag kaibigan ulit. Hindi ko nga alam kung kailan iyon babalik ng pilipinas.
I told her everything. At gaya ng naramdaman ko ay nasaktan din siya sa nangyari.
Hindi ko alam kung anong nangyari kay Yaena. She's still my friend after all, pero mali iyong pamamaraan niya. Hindi naman ginusto ng mga magulang ko na mawala ang mga magulang niya.
While Olienzo? He died. Halos ilang buwan daw hindi maka-usap si mommy noong mawala si Olienzo. Sinisisi nito si Mére dahil sa tauhan nito ang nakapatay sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love
General FictionStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22
