Kabanata 31

54.7K 1.6K 545
                                        

Olivia's POV

Bagot na pinatay ko ang tv dahil ilang oras na akong nanunuod pero wala naman akong maintindihan sa palabas. Lumulutang ang isip ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Sorandelle. Dalawang araw na akong nakakulong dito, ayaw naman niya akong palabasin.

Ngayon nga ay pumunta siyang S.A.A dahil emergency daw. Gusto kong sumama pero nauwi lang kami sa pag tatalo.

Hindi ko na siya maintindihan lately.  She's too possessive na maging pag pasok ko sa L.I.S ay ayaw niya. Anong gagawin ko rito? Tutunganga? Paano na ang pag-aaral ko?

Kinuha niya rin lahat ng gadgets na binili niya noon. Ang DSLR na lang ang naiwan sa akin, ano naman ang kukunan ko rito? Mga mamahalin niyang gamit?

Nakakainis.

Parati kaming nauuwi sa pag tatalo kapag sinasabi kong lalabas na ako, and after that we'll surely end up in our bed, naked.

Sa dalawang araw ko rito ay walang araw o gabi na walang nangyayari sa'min.

Ibang iba na siya sa dating Sorandelle. Or more like, ito talaga siya at pakitang tao lang talaga ang ginawa niya noon?

Bumaba ang tingin ko sa braso kong may mga bagong pasa na naman, she's too rough in bed, ibang iba noong unang beses namin.

I hate it, yet my body loves it.

Hindi na rin dumating si Sena na sabi ay pupuntahan ako, kung matatawagan ko lang siya ay baka matulungan niya ako.

Napag pasyahan kong mag libot dito sa loob ng penthouse, ngayon ko lang magagawa ito dahil kung hindi naman ako nasa sala kasama si Sorandelle, ay nasa kama naman kami.

Tatlo lang ang pinto pero tingin ko ay bawat kwarto ay sobrang lawak. Masyadong malaki itong tinitirhan niya. Pumasok ako sa kwarto na inuukupa namin para maligo bago mag libot. May nakita kasi akong indoor swimming pool dito, gusto kong pumunta roon at tumambay.

O maligo?

Tama. Maliligo na lang ako. Nagpalit ako ng pang ligong damit, ayoko namang mag suot ng swimsuit dahil ako lang naman ang mag-isa.

Himala nga at may rash guard sa wardrobe niya. Pero karamihan pa rin ay swimsuit.

Kumuha na rin ako ng tuwalya at isang bote ng mamahaling wine ng mapadaan ako sa mini bar niya, kumuha rin ako ng baso sa kusina bago tumungo sa indoor swimming pool dito sa penthouse.

May isang lamesa na napapagitnaan ng dalawang recliner lying bed, sa tabi naman nito ay ang dalawa ring sun lounger. Umupo ako sa recliner bed at ipinatong ang dalang wine sa mesa.

Habang ang basong may laman ay nasa kamay ko. Sinubukan kong amuyin, it smells good. Kaya naman ay tinikman ko na.

Nanuot sa lalamunan ko ang kakaibang lasa nito. Gusto ko lang uminom, hindi naman ako mag lalasing.

I just wanted to think.

Gusto ko lang mag isip-isip, tungkol sa'kin, sa'min, tungkol kay Sorandelle na ibang iba na ang ikinikilos. She's too possessive, obsessive, territorial. Ayaw akong palabasin. Parang kinukulong ako. At nasasakal ako sa ginagawa niya.

Sunod sunod ang ginawa kong pag lagok sa alak at napag-pasyahan kong lumangoy ng makaramdam ng init sa katawan. Hindi naman gaanong kalawak ang pool, sakto lang para sa lima or anim na tao.

I sigh.

Nahihirapan na ako sa ganitong sitwasyon.

Napatingin ako sa alak na napangalahatian ko na. Gusto ko pang uminom pero ayaw ko namang umahon.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon