Olivia's POV
I don't need to choose. Right?
Kapag may pinili ako, may masasaktan.
Why I'm suddenly stuck on that kind of situation nga ulit? Mabuti na lang talaga at tapos na.
Am I really that worth it para pag aksayahan nila ng oras?
They are both annoying, nananahimik ako eh. Ang ayos ayos ng buhay ko. Walang problema sa love life kahit single.
Sabi na nga ba at mas masaya kapag single, pero heto ako. Mukhang kinakarma na cause I've been single for twenty two years.
That day, almost one week ago. I tried to avoid Dela Vega pero araw-araw siyang nasa labas ng dorm namin.
Hinihintay ako, and mind you para niya na akong papatayin sa mga titig niya.
Panay din ang kulit sa'kin ni Avery, I'm getting annoyed na nga kaso hindi ko naman pwedeng sabihin dahil kaibigan ko pa rin naman siya.
Though, mas gugustuhin ko na lang na sumama kayna Yaena kaysa ang kulitin ng sobra ni Avery.
Parang hindi na nga siya yung Ave na nakilala ko three years ago. Ang bilis niyang magbago. May tinatagong landi pala ang gaga tapos sa'kin pa pinapakita.
Jusko.
"For your last activity before the break, I want you to interview a business tycoon. With documentation. Whether it's your parents, grandparents or some relatives." Halos lahat kasi ng nag take Business ad ay mga taga pagmana.
Feeling ko nga ako lang yata ang naligaw sa course na ito eh.
Parang pinagsisisihan ko na tuloy na nag business ad pa ako, ano mamanahin ko? Palanggana ni nanay?
Biro lang, ma. Mahal pa rin kita kahit ganon.
"You wanna interview my dad?" It's Avery. Magkatabi kami.
Umiling ako sa tanong niya. Maghahanap na lang ako ng iba. Hindi naman sa tinatanggihan ko siya dahil sa sitwasyon naming dalawa. Nakakahiya lang.
What about Sorandelle?
Agad kong iwinaksi sa isip ko ang idiyang iyon. No way, iniiwasan ko nga ang taong iyon. Saka hindi siya nakakalapit sa'kin. Mabilis kasi akong tumakbo.
Mukha ring busy siya dahil sa sunod sunod na fashion event ng SA apparel.
But I'm feeling guilty. Busy na nga iyong tao pero may oras pa ring abangan ako sa labas.
Saka bakit ko nga ba siya iniiwasan?
Para namang tanga'ng utak to.
Papalabas na kami ng room ng biglang tumunog ang cellphone kong kapanahunan pa yata ni Rizal.
Si mama ang tumatawag.
"Ma.." pagsagot ko.
Sinenyasan ko sina Sacha na mauna na, hindi naman sumunod si Avery. Hinihintay ako kaya hinayaan ko na lang.
"Anak, uuwi ka ba?" Wala na kaming pasok simula bukas, may limang araw kaming bakasyon.
Gustuhin ko mang umuwi ay kulang ang pera ko. Baka hindi na ako makabalik pag nagkataon niyan.
"Hindi yata ma eh, sayang ang pera." Mahigit isang libo rin kasi ang magagastos ko kapag umuwi ako, tapos pabalik pa.
Simula rito ay may syam na oras ang byahe papunta sa probinsya namin.
"Kung ang pamasahe ang pino-problema mo, may ipon ako 'nak. Ipapadala ko sa iyo." Napabuntong hininga naman ako.
Si Ave mukhang nakikichismis din dahil nakakunot na ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Genel KurguStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22
