Olivia's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Sabado nga pala ngayon at mamayang hapon pa ang klase ko.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Pangalan ni Syche ang naka register.
"B-bakit??" Paos ang boses na tanong ko. Napuyat ako kagabi, hindi ako nakatulog nang maayos.
"Where are you?" Nakahiga pa ako, dahan-dahan akong bumangon at nag tungo sa kusina para mag timpla nang kape, tulog pa rin naman si Chin. Nakaipit lang ang cellphone sa tainga at balikat ko.
"Sa dorm." Umupo ako at itinaas pa ang dalawang paa.
"Should I pick you up?"
"Ikaw ang bahala." Medyo may kalayuan din kasi ang DVC mula rito sa dorm namin. At kung makakakuha ako ng internship doon paniguradong luging lugi na naman ako sa pamasahe. Pwede rin akong makisabay kay Syche araw-araw.
"Okay, I'm on my way." Pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy sa pag inom ng biglang tumunog ulit.
Hindi ko na tiningnan kung sino ang caller, agad ko itong sinagot.
"Wag ka ngang gumamit ng cellphone habang nagmamaneho. Hintayin mo na lang ako sa baba. Maliligo na ako." Nagtaka pa ako ng walang sumagot mula sa kabilang linya.
"Syc—"
"I'm not driving." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa boses na 'yon.
Mag iisang linggo, ngayon na lang ulit siya nagparamdam. Minsan nakakaduda na rin ang isang ito eh.
Ni-mag text o tumawag man lang ay hindi magawa.
Ganon na ba siya ka busy?
Yikes!!
Magpaparamdam kung kailan trip niya, magpapakita kung kailan niya gusto at mawawala na lang bigla bigla.
Nakakatampo rin minsan.
Kahit na gusto ko siyang i-text o tawagan ay hindi ko magawa. Nag titipid ako eh, sayang pa ang ilo-load ko. At isa pa, may utang akong babayaran kay Chin dahil siya muna ang nagbayad ng upa ko rito sa dorm.
"Oh? Buhay ka pa pala, sino sumapi sa'yo kaya nagparamdam ka?" Damn it. I sounded like a nagging girlfriend. Hindi ko napigilan.
"Sinong kikitain mo?" May tono ng pagbabanta sa tanong nito. Napalunok ako.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Kinakabahan ako pero ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.
"S-si Syche.."
"Where are you two going?" She sounded like she's interrogating me. Saka bakit siya pa itong nananakot e' siya nga itong bigla-bigla na lang na nawawala.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkainis bigla.
"Jan lang." Hindi ko na siya hinintay na magsalita, hindi na rin ako nag paalam at basta na lang pinatay ang tawag.
Amp.
Bahala siya riyan.
Pagkatapos niyang mawala na naman ng ilang araw tapos ngayon ulit mag paparamdam?
Ano ako?
Iiwan niya kapag trip niya, babalikan kung kailan maisipan.
Aba naman, ang lakas naman ng tama niya.
Dali-dali akong naligo at nag suot ng presentable'ng damit.
"Chin, hiramin ko tong blazer mo ah." Kinuha ko na agad, hindi naman ako nagpaalam para payagan niyang hiramin ko. Nag paalam ako para malaman niyang balak kong gamitin ang gamit niya.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Fiction généraleStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22
