Olivia's POV
"Sweetheart, let Regeboy accompany you." Hindi na ako tumutol sa sinabi ng Nanay ko, ilang araw na rin kasi akong nakakulong dito sa bahay nila/namin.
At ngayon nga ay naisipan ni Syche na ayain akong lumabas kasama ang dalawa. Nag suot lang ako ng pants, t-shirt, cap at facemask para hindi ako makilala.
Kahapon ay dumating si Kuya Olienzo pero ewan ko ba, kapatid ko naman siya pero hindi ako komportable sa kanya.
Sa tuwing naiiwan kaming mag-isa sa sala ay agad akong aalis para hanapin si Mére o kaya si Mommy dahil hindi ako mapakali kapag kaming dalawa lang ni Kuya Olienzo.
Siguro kaya ganito ang nararamdaman ko kasi halos dalawang dekada kaming hindi nagkita, mga bata pa kami nang mag hiway kami e.
But crap, the way he stares at me literally gives me a goosebumps. Madalas ko itong hindi pansinin at mukhang napapansin niya naman na umiiwas ako. Pero wala rin naman siyang sinasabi.
Ang alam ko ay babalik itong Paris para ayusin ang naiwang trabaho ng mga magulang namin, kung ano man iyon ay wala akong alam.
"Take care 'kay?" Tumango ako bago hinalikan sa pisnge si Mommy. Nasasanay na rin ako sa tawag ko sa kanya kahit papaano. Nakabili na rin ako ng bagong cellphone at walang araw na hindi ko tinatawagan si Mama para kamustahin.
Gusto ko ngang dito na lang siya sa'min pero ayaw naman niyang iwan ang bahay sa probinsya.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya Boy at agad akong pumasok, tinext ko na rin sina Sacha at sinabing papunta na ako. Sa mall daw kami, magwi-window shopping lang.
Mére give a her black card, baka raw may gusto akong bilhin, wala naman akong naisip. Komplete na kaya sa gamit ang kwarto ko. Halos araw-araw ding may bagong biling mamahaling alahas, damit, sapatos at bag si Mommy. Mostly, hindi ko ka type. Hindi ko lang sinasabi.
Dahil late naman na, hindi na gaanong traffic kaya madali na lang kaming nakarating sa Mall kung saan naghihintay sina Sacha. Namataan ko iyong tatlo kaya sa mismong harap na lang nila ako nagpababa.
Kunot noo lang nila akong tiningnan at hindi na pinansin. Hindi nila ako nakilala. I chuckled at that thought bago ako lumapit. Paano at balot na balot ang mukha ko, mask at cap. Kasalanan talaga ito ni Amanda.
Normalize sisihin si Amanda sa lahat.
Inayos ko muna ang cap ko, natatawa kong binatukan si Yaena.
"Amputang ina—who the heck are you?" Tumawa ako.
"Wow english?" pang-aasar ko.
"Gago, Via?" Gulat na usal niya. Hinawakan ako ni Sacharelle sa balikat bago marahas na hinarap sa kanya.
"Weh? Ikaw yung lumabas sa limousine na iyon? Gago saang lupalop ka nakapulot ng sugar daddy?"
Ngumiti lang sa'kin si Syche, kumakain kasi ito. Wala ng bago roon.
"Hinatid lang ako." Sagot ko dahil masyado ng malakas ang boses nila, pinagtitinginan na kami ng ibang mga dumaraan.
"Hinatid ampucha, ang totoo?" Umiling lang ako at ikinumpas ang kamay para sabihing pumasok na kami.
Masyadong maraming tao, hindi na bago iyon.
"Anong meron?" Tanong ko ng makitang sobra talaga ang dami ng tao ngayon.
"Malay namin." Hindi ko alam kung saan kami unang pupunta pero ng makita ko ang bookstore ay agad ko silang inaya roon.
"Nood tayong sine?" Si Yaena habang namimili ng libro. Nakita kong hawak hawak nito ang libro ni Cecelib.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Ficción GeneralStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22
