Olivia's POV
"Let's have lunch." Taka ko siyang tiningnan, hindi pa tapos iyong contest kaya bakit siya nandito?
Pasalamat siya anim na lang ang magpe-perform. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang contestant na natitira.
Issue...
Nilibot ko ang tingin sa paligid namin, lima na lang ang natitira sa back stage, ang iba ay mas pinili na lang na manuod sa harapan kaysa ang mag hintay dito.
Umiling ako at tinalikuran siya, nagkunyareng hindi kilala. Mamaya niyan ma-issue pa kami. Ang galing ko pa namang kumanta, tapos what if ako ang manalo? Tapos ipagkalat ng limang yan na may kapit ako sa isa sa mga judge?
Sorry, advance lang.
Buti na nga lang hindi siya sumunod. Baka gusto niyang ako ang maging laman ng chismisan rito sa L.I.S, naku.
Namataan ko si Syche kasama si Yaena na kumakain habang naglalakad at nag-uusap. Tinawag ko ang mga ito.
"How's your performance?" tanong nila.
"Pang british got talent na." Tinawanan lang nila ako, nakikuha ako sa kinakain ni Yaena kasi alam ko namang hinding hindi mamimigay ng pagkain itong si Syche. Saksakan ng kuripot pag dating sa pagkain. Pero kapag naman manlilibre ng gamit, kulang na lang bilhin ang buong store.
"Mananalo kaya tayo?" Tahimik lang iyong isa, nilalantakan ang pagkain niya.
"Naman. Ako kaya pambato niyo." Sa classroom kami tumuloy. Ang daming nakakalat na mga materials. Nasa mga gilid na rin ang mga upuan namin, busy silang lahat sa pag-aayos ng booth para bukas.
May iba namang wala rito, siguro nanunuod. Ang alam ko nautusan si Ave at Sacha na samahan ang iba na mamili ng mga gagamiting ingredients para sa lulutuing burrito.
Sana naman makuha nila ang expectation ko no. Masarap pa naman iyon.
Hindi pa nga kami nagsa-sampung minuto ng biglang pumasok si Pres
"Hoy, Olivia pinatawag ka."
"Nino raw?" Nilapitan nito ang ginagawa ng iba naming kaklase at ni-check.
"Sa office ni dean."
"Sa office ni Dean??" Gulat pa akong napatayo? Anong nagawa ko? May nagawa ako? Weh? Eh? May bagsak ako? Wala na akong scholarship? Hindi pwede, may isang semester pa akong ipaglalaban.
"Oo.."
"Bakit daw?" Mula sa pagtingin ng pintura ay tiningnan niya ako ng nagtataka.
"Malay ko, ako ba si Dean para malaman ang reason kung bakit ka pinapatawag?" Napaka talaga. Sana hindi na lang kita ni vote noong election. Charot lang syempre. Deserve mo 'yan, pati mga additional responsibility, deserve mo lahat' yon.
Gusto ko sanang magpasama kayna Yaena at Syche pero inutusan na ito ni Pres na samahan yung representative namin sa pageant contest.
Sige lang, sino ba maman ako..
Kaya maman mag isa kong tinahak ang daan papuntang office ni Mr. Dean.
Medyo kabado ako, onti.
Hindi ko alam, wala namang rason para ipatawag ako. Unless biglaang nawalan ako ng scholarship, o kaya baka naman may pa out of town quiz bee ulit na sasalihan at isa ako sa ilalaban.
Grabe, taon taon na lang napipiga ang utak ko sa mga out of town na pa quiz bee na yan ah. Isang beses na rin akong nailaban sa Japan kasama ang iba't ibang representative ng iba't ibang bansa.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Fiksi UmumStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22
