Halina't libutin,
Ang siyudad ng Angeles,
Hinding-hindi ka mabibitin,
Bubusugin, pakakainin,
Magsisilbing pamatid uhaw,
Tanging sigarilyo
Na lamang ang tumatagtag-kaba,
Pampatapang ang serbesa,
Naghihintay sa biyayang bisita,
Aakitin habang binibili,
Palapit sa isang kwartong
Mura ang renta,
Nais niya ring taasan ang kaniyang
Renta, para kumita,
Ngunit wala nang makakakita.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.