Sa karagatang maalat na kumayat mula sa mata,
Bumalong sa dalampasigang mabuhangin at naiga.
Rumaragasang alon ay nais umalagwa,
Sa lugar na nais nitong makaalpas at mapagmasdan,
Siya ay magiging parola sa karagatang maamo't mabato,
Sa tubig alat na may tinatagong bagyo at ipo-ipo.
Hayaan mong umagos ang kaniyang luha sa ilog,
Kung saan malilinisan ang hiwa't maghihilom.
Hindi susumpa na ang mata'y 'di na iiyak,
Kailangan magkaroon ng tubig sa dagat kaya't pumayagak.
Sumaka'y sa isang barko, at nilakbay ang dagat ng sakit.
Kabisaduhin bawat alon, alamin ang ihip ng hangin, at lasapin.
Sa isang tabi, sa gitna, o sa ibabaw ng batuhan,
Sa pinamumugaran ng mga salitang nilumot at nalimutan;
Magsisilbing ilaw sa mga barkong naliligaw ng landas,
Patungo sa dalampasigang paroroonan,
Kung saan matatagpuan ang 'pagtahan'.
Mula sa iyong mata,
Naging maalat ang dagat.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.