Iba't ibang putahe ang nakahain,
Sa mga kaserolang punong-puno.
Kinubli ang init upang hindi makatakas.
Nais nila ay mainit, at garantisado
Na sariwa ang nilalahok.
Marami ang parokyano ng karinderya;
Lasing man,
O nabuburyong lamang,
O naliligaw,
O tinahak ang kaliwa mula Angeles.
Lahat ay nais malasap, at matikman
Ang langit sa lupa,
Maging ang kubyertos ay sisimutin.
Isang kindat, at bayad lamang
Ay malalamnan na ang kagutuman,
Pagtapos ng kainan,
Matapos mabili, at tahakin ang kahera,
Tatakluban ang pinagkuhanan ng putahe,
Nang hindi mapanis, at langawin
Ang sariwa, at batang karne
Na bumebenta sa magdamagan.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.