Ikaw ay tila Santa Ana.
Mapula, minsa'y maputla,
Nag-iiba ang kulay,
Kahit naglalaho ang pula,
Ikaw ay tapayan na 'di naiiga.
Ikaw ay tila Santa Ana
Na sumulpot ang pag-asa
Sa gilid ng bangketa.
At kapag ika'y nadaraanan
Hila-hilahin man sa iyong tangkay,
Pitik-pitikin man ang iyong talutot,
Sa loob ay may sinulid
Na manipis.
Ito ay hihilahin nang marahan,
Ilalapat sa dila,
Ititikom ang labi,
Daramhin iyong tamis.
Dahil kahit maiga man ang lupa,
Mawalay man sa tangkay,
Magpuyos man ang talutot,
Hinding-hindi ipagkakait
Ang tubig,
Ang buhay.
Muling pipitasin
Sa bingit ng uhaw.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.