Hindi dipa ang agwatan,
Ng kanilang mga katawan
Sa hagupit ng latay,
At kamatayan.Tanging hangin at pawis na lamang
Ang namutawi't dumapo sa labi.
Bawal ang humikab,
Ang mapagod.Tinahak ang daan ng kahihiyan,
Tinuring na makasalanan.
Sila'ng humatol sa may sala.Sa mata ng giyera,
Sa mata ng banyaga.Isang daang kilometro
Ang impyerno, ang kalbaryo.Pasan-pasan ang mabigat na krus
Ng mga lahing taksil.Gayak-gayak ang koronang tinik
Na bumutas sa laman,
Upang mahanginan.Maging si Hesus na tutubos,
Ay 'di aabot sa dulo ng prusisyon,
Sampu ng mga kanduro,
Mga disipulo, at huwad.Sapagkat 'di nabutas ang palad,
Ngunit sa tangwa
Ng bangin kinaladkad.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.