Ah, madalas kong isipin
Na kapag ako ay namatay,
Paano na ang aking katawan?Kaya,
Ito ang aking mga nais mangyari:Una, tanggalin ang aking laman,
Upang mahiwalay sa aking buto.Hayaan na maagnas, at malusaw
Sa sarili nitong himlayan.Pangalawa, kapag wala na'ng laman
Ang kayang makita ng hubad na mata.Tanging buto na lamang
Ang matitira;Nagpatatag, nagpatigas,
At nagpatibay,Ang palaging matitira.
Pangatlo,
Pakiusap, kapag ito na lamang
Ang natira,Pulbusin ang aking mga buto.
Pang-apat, isaboy sa hangin.
At sisinghutin ito ng kalikasan,
Bilang ilegal na droga,Bilang gamot.
At panigurado,
Nakaaadik ang aking
Mga buto.Dahil ako ay isang lason
At ayaw kong maibaon.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.