Noong ako ay maliit pa,
Palaging napipigtas ang aking tsinelas.Nalilihi ang araw sa aking pagkaripas,
Sinasalubong ang hangin,
Ibinilad ang kamusmusan sa tirik na liwanag.At no'ng natakid sa sanga ang mga paa,
Napigtas ang aking tsinelas.
Biyabit sa kamay ang nasira,
Tangan pauwi,
Mahapdi ang paglilinis sa gasgas.Nilisan ang tsinelas sa labas,
At nang ako ay tumungo sa pintuan,
Nadungaw ko siya
Na tinatahi ang aking pansapin sa paa,
Tinakluban ng sermon ang pag-aalala.Usal niya'y magsuot ako
Ng bakal na tsinelas,
Para raw hindi na muling masira,
Gaano man kaburara.
Nang muling nadapa, natumba.Muling napigtas ang tsinelas,
May pisi at karayom,
ngunit walang magtatahi.Sa aking pagkadapa,
Sa kinamusmusang payapa,
Tinahi ang aking tsinelas,
Para patuloy akong magpatuloy
Lumakad, matakid, lumaboy.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.