Hindi mabilang ang mga
Talampakang pumapanhik
Sa iyong mga palapag.Walang nagtatanong sa
Kung ano ang iyong
Nararamdaman kapag
Ika'y natatapakan.Hindi ka maralita.
Hindi ka isang alipin,
Ngunit ika'y niyayapakan,
Palagi.Ikaw ay pinupunusan
Kapag narurumihan,
Dahil ikaw ay isang
Instrumento lamang na hindi
Mahalaga, ngunit napakikinabangan.Sapagkat ikaw ay isa sa mga palapag,
Sa iisang hagdanan tungo sa tagumpay,
Habang ikaw ay nakasemento,
At hindi kailanman makagagalaw.Sa hagdanang kailanman
Ay hindi naging pantay,
Sa kung sino ang dadaan,
Ang mahuhulog, at mamamatay.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.