Hindi ko maipaliwanag
Ang pakiramdam kapag
Sinasalansan na
Ang mga kagamitan
Pagkatapos ng pagdiriwang.Pinanood ko
Ang lugar kung saan
Nangyari ang kasiyahan,
Kung saan nagsilundagan
Ang mga nagdiwang.Nang biglang kinailangang
Mag-uwian...Iniwan ang ligayang suot-suot,
Pinagbalot ng pagkaing supot-supot.
Sinalansan ang mga upuan,
Hinugasan ang mga pinggan,
At nag-imis.Natagtag ang ngiti sa mga labi
Ng mga nagdiwang...Iniwan ang ligaya sa bulsa
Ng alaala.At pinanood ang sarili
Nang hindi namamalayan,
Na nag-aabang sa susunod
Na okasyon,
Na panahon,
At pagkakataon.Sana...
Bukas na.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.