Iskultor

29 4 0
                                    

Unti-unti kong natutuhan,
Kung pa'no yakapin
Ang aking mga pagkukulang;
Dahan-dahan kong nililok
Ang aking bukas,
Gamit-gamit ang langib
Ng aking mga gasgas;
Binuno ang kahapon.
Balot-balot aking kahinaan,
Dala sa aking likuran,
Hindi pabigat, ito'y kalasag.

PalamutianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon