Masiyado kong minaliit ang pag-ibig;
Kahibangan na makita ang iba
Na nagagalak.
Halik sa likod ng palad ang patagana,
Regalo ay orasan na init
Ng yakap ang baterya, ang nagpapagana.
Minaliit ko ang pag-ibig na;
Halimuyak ng rosal kapag flores de mayo,
Umagang maulan, kape't almusal.
Nang unang beses na maramdaman
Ang paruparo sa aking kalamnan,
Tinuring ng aking puso ang aking tadyang
Na kulungang rehas,
Na kailangang takasan.
At nang sinubukan ng aking baga
Na ibuga ang hangin sa pagsasayaw
Ng aking dila,
Minaliit ako ng pag-ibig,
At tinawanan.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.