Mula sa palad ng buwan,
Hinango't nililok kaniyang mahika,
Ngunit wala sa kaniya ang kasagutan.
Tanging paghilom, at pagkulam
Ang dinarang sa lingas ng suspetya,
At bulong-bulungan;
Manikang tinuhog ng karayom,
Mga garapon sa estante,
Tapayan ng ninakaw na dugo
Ng magindara't inosente.
Kinuyog ng mga Adan,
Ang barong-barong
Tangan-tangan ang sulo at karit
Hiyaw ang bali-balita at
Pinagliyab ang kaniyang tubuhan,
Kasama ang kaniyang tirahan,
Bago ang kaniyang katawan.
Namuhay raw nang mag-isa,
Sapagkat makitid
Ang mga binatang 'di pinahintulutan
Na maging kaniyang kaluguyo,
Maging kaniyang pinuno,
Maging kaniyang taga-utos.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.