Nabanaag ko na
Nasa gilid ng 'yong mata
Ang patay na bituin mula
Sa tangwa ng sansinukob.At gano'n din ako.
Mula sa 'yong mata
Ay aking napagmasdan
Ang haraya na pinagyamanNg 'yong munting kalawakan.
Ng 'yong kalimbahing umaga,
Na hindi kailanman pumikitUpang sumubaybay sa
Mga mumunting sarikulay
Ng 'yong mga tawaNa 'di kailanman
Ipinagkait sa sangnilikha.Sapagkat ang 'yong mata
Ay patuloy kung maghimay
Ng mga dahilan para
Patuloy na mamuhay.At nasa 'yong nunal
Ang buong sansinukob na
Iyong kinubkob sa loob
Ng iisang itim sa gilid
Ng iyong mga tingin.At sa 'yong mga tingin
Nanalamin ang aking kaluluwa
Na 'di mo man lamang
Tinakwil, bagkus binihisan.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.