Tinupok ng usok
Ang kaniyang tahanan.
Hindi dahil nagliyab 'to,
At nilamon ng apoy.Tinupok ng usok,
Ang kaniyang tahanan,
Sapagkat sa karsadang
Maaspalto ang lugarNg kan'yang tirahan.
'Di ito dahil sa kan'yang kagustuhan.
Sapagkat 'to ang kadalasang
Kapalaran ng isang maralita.Ang manahan sa
Putik at grasa.
Ang mabansagang kriminal,
At hadlang sa laylayan.Ang masisi kung ba't
Nalugmok sa karalitaan.
Ang kumain ng hapunan
Ulam-ulam ang kutya,Gamit-gamit ang kubyertos ng busina,
Salok-salok ang munting pag-asa,
Lunok-lunok ang hiya.
Sapagkat marami nang nagutomAng nagugutom pa.
Na 'di inda ang lamusak na grasa,
Sa kalamnan na hiyaw ay gutom,
'Di saklolo.Na inuna'y bigas at ulam
Kaysa ang umasa,
Sa bubura at tatagtag sa grasa,
Para lamang madisgrasya.Para lamang tastasan
Ng karapatan.
Para magsilbing kawatan.
Para manatiling alipin ng kahirapan.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.