Barya ni Hudas

28 4 0
                                    

No'ng ika'y ipagkaluno ng 'yong alagad,
Inusal ang paalam sa gitna ng hapunan,

Ipinahiwatig na isa sa 'yong mga disipulo
Ay magtataksil sa iyong ngalan.

Nang mautas sa pagkakatarak sa tabla,
Lumagapak yaring luha sa lupa,

Yumanig, gumising, kumalampag, bumayo.
Umindayog sa huling hingang malalim.

Kapalit ng tatlumpung barya,
Tila ipinagbili sa diyablo ang bait.

Kabalintunaan ng mga akala, at baka,
Ang mga dapat, at tunay.

Ang wakas, iginapos ang leegan,
Gamit ang lubid na aalpas sa pananagutan.

Nilunasan ang pagkaumid gamit ang barya,
Wari'y ang taong humalik ay na-Hudas,

Ang s'yang dahilan kung bakit may tigang at
Uhaw na lalaki sa krus na tabla sa kapilya.

PalamutianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon