Ano nga ba ang hitsura ng
hubad na katotohanan?
Labas ba ang dede nito?
Ito ba ay may puke o titi?Ito ba ay nambubuntis,
O nabubuntis?
Ang hitsura ba ng hubad ng
Katotohanan ay mapang-akit?Na nanaiisin gahasain sa gabi
Ng paghagilap sa sikreto?
Ang alindog ba ng hubad na
Katotohanan ay mapangahas?Ang hubad ba na katotohanan
Ay nakapanlalambot,
At nakapanghihina?
Kapag ba nakita at narinigAy handa ring maghubad
Sa kaniyang harapan?
Dahil kapag ba iyong nakasiping
Ang katotohanan,Ikaw ba ay masasarapan,
O mapapagod?
Kapag lumabas na ang tunay na
Libog ng hubad na katotohanan.Sapagkat malandi ang katotohanan.
Hahaplusin ang iyong katawan,
Sa mga pagkakataon na ikaw
Ay mahina, para mahubad ang iyong saplot;Ang bumabalot sa iyong katawan.
Ang nagtatago sa
Hubad mong katotohanan
Na matagal-tagal mo ring pinagtakpan.Dahil ang hubad na katotohanan
Ay palagi kang hahagkan,
Sa lugar kung saan
Iyong pinakaayaw.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.