Kapag nagkaroon ng mga zombies,
Hindi ko iisipin kung paano
Ang mabuhay.Hibang ang mga matatapang.
At kapag kayo ay wala nang makain,
Narito ang aking katawan;
Iaalay ko ang sarili,
Bilang isang masarap na putahe
Na inyong pagsalu-saluhan.Bahala kayo riyan,
Ako ay hihimlay na lamang.Basta, ayaw ko nang
Mahirapan sa katapusan
Ng sanlibutan.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.