Henerasyon ng Kabataan

49 4 0
                                    

Na ginawang basehan ang mga libro at palabas bilang isang pangarap na kailangang maranasan.

Magdiwang!

Para sa hindi makatotohanang imahinasyon na isinabuhay bilang isang basehan na kailangang gawin. Kailangan umigting ang panga sa tuwing hahalikan ng lalaking matangkad at mapungay ang mata. Kailangan kang itulak sa pader upang isandal sabay halik. Kailangang maramdaman daw ang paruparo sa kalamnan.

Magdiwang!

Henerasyon ng kabataan na mulat sa lahat ng bagay na sinasabing huwag gawin ang isang bagay dahil masama, ngunit hindi masunod ang sariling winika.

Magdiwang!

Para sa iyong sinabi na huwag husgahan ang mali sa katawan ng iba ngunit tinawag mong mali sa una pa lamang ang 'normal' dapat kung tatawagin. Ang normal sa kaniyang katawan na hindi niya dapat malalaman na mali kung hindi sinabing mali ng henerasyon ng kabataan na sinasabing huwag kang manghuhusga, dahil sila lamang ang maaari.

Magdiwang!

Henerasyon ng kabataan na may mababaw na pananaw sa pag-ibig na mas kinailangan pa ito kaysa sa mabuhay nang mapayapa sa mundo nang walang niyuyurakan na tao. Na mas inuna pang umibig kaysa ang mag-igib ng kadakilaan, na ginawang damit ang pag-ibig na nakakayang palitan ano mang oras. Pag-ibig na ginawang uso dahil marami ang pauso na kailangan daw makisabay sa uso para lamang umabuso.

Putang'na , magdiwang!

Para sa iyong katangahan, sa iyong pagiging ignorante sa buhay na tinuring mo ang ibang tao bilang isang bahay-aliwan at hindi bilang tahanan. Tinuring nila na ang isang tahanan ay binubuo ng bubong ng hitsura, pader ng ugali, at pintuan ng kalibugan.

Magdiwang!

Sa pintuan ng kalibugan na nais niya kaagad buksan dahil nais niyang malaman ang pakiramdam. Na mas nauna pa niyang inisip kung paano ang masarapan kaysa kung paano ang mangarap.

Magdiwang!

Sa henerasyon ng kabataan na walang pinagkatandaan. Na nagagalit sa mga nakatatanda, dahil hindi nasusunod ang nais nilang mangyari na hindi makatwiran.

Salamat, sa lumang henerasyon ng kabataan sa pagtatanim ng masamang damo.

Kaya hangal, magdiwang!

Dahil kayo ay isang malaking kaguluhan. Kayo ay binubuo ng mga nagkukunwaring may kapansanan; nagbubulag-bulagan, nagbingi-bingihan, tang ina. Kayong parte ng henerasyon na nagmumulat-mulatan, na marami nang naranasan ngunit walang natutuhan. Kayo, ang henerasyon ng kabataan, ang produkto ng dumadaloy na kamangmangan sa ugat ng lipunan na puro puna ngunit hindi inuna ang pagdidisiplina nang tama, at makatao.

Magdiwang!

Mga maledukado.

PalamutianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon