Pasahero

47 4 0
                                    

Habang naandar ang tren sa riles; 

Hindi mahulugang karayom, 

Ang sisidlan ng pasahero; 

'Di abot gadangkal ang espasyo. 

Pumupungay ang kaniyang mga mata, 

Tagaktak ang pawis sa kwelyo; 

Siyang nauuhaw na panauhin. 

Nag-aabang makarating sa paroroonan, 

Ngunit apuradong makakamot. 

Nais niyang mapatid kaniyang uhaw. 

Nang bigla niyang hinawi ang kurtina, 

Walang pasintabi niyang niloob, 

At sinamsam ang nais niyang manakaw, 

Nag-iwan ng ebidensya. 

Sinubukang hawiin ng katabi, 

Ang nagputik na bakas, 

Bumalangkas sa pahamak, 

Ng lalaking hindi imbitado, 

Sinubukang dumalo, 

Kahit walang salo-salo. 

At nang nabanaag ng katabi, 

Na ang siksikan ay rehas, 

Pagsamo ang namutawi, 

At pagkamuhi.



PalamutianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon