Selestyal

25 5 0
                                    

Mapalad ang langit sa iyo.
Hindi ka nakipagsiksikan
Sa mga selestyal na katawan
Sa himpapawirin.
Sapagkat ikaw na mismo,
Ang pumuwesto sa lupa
Na tatanawin
Ng langit sa ilalim
Ng kulob-kulob na ulap.

Dahil malilihi ang buwan,
Ang araw, at mga bituin,
Kapag wala nang inisip pang
Metapora, sa kung paano
Nagmantsa sa aking kamay
Ang tinta na hindi kaagad nabura,

Nang subukang kayurin
At tanging sugat lamang ang tinamo.
Kabalintunaan ng siksikan sa kalangitan,
Ang nag-uumapaw na galak
Na sinubukang pagkasyahin
Sa loob ng iisang papel,
Gamit-gamit ang tinta na
Hindi kaagad mabubura.

PalamutianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon