Katulad ng pagtago sa mga palamuti at dekorasyon nang magwakas ang pasko, at bagong taon.
Isisilid ko rin sa loob ng kahon, ang aking mga kinabisado.
Tungkol sa kung paano maging 'Ikaw' na isang mahirap na konsepto.
Bibitbitin nang marahan sa ilalim ng isang maliit na espasyo, sa lilim ng maginaw na silong, ang damdaming ginayakan upang sumalubong sa init ng 'yong yakap.
Hindi sisilipin ang kahon ng alaalang magmistulang pailaw sa naglaho kong kaluluwa na iyong pinagyaman, at binihisan upang hindi na muling maligaw.
Hanggang sa muli kong hanapin ang pinagsidlan ng aking alaala na tinago kailanman na hindi man lamang kinalimutan.
Dahil kagaya ng mga palamuti at dekorasyon matapos ang pasko at bagong taon, tatagtagin ko sa aking mata ang iyong makulay na konsepto.
Sa kung paano namutawi ang iyong pailaw sa mundo...
Sa kung paano naging 'ikaw' ang ilaw, at ang mundo...
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.