Nitro-glicerina

36 4 0
                                    

Kung ako lamang si Isagani,
Hinding-hindi ako tatakas,
Hinding-hindi ako lalabas
Sa lugar ng mga naturang ahas
Ng kahuwaran.

Ibubukas ko ang himpilan
Ng kamatayan,
Sa loob ng piging.

Idaragdag ko ang kanilang
Mga katawan
Sa nakapanlulumong
Batalyon ng mga sawimpalad.

Iihawin ko
Sa sarili nilang mga laman
Ang mga tampalasan
Nilang kaluluwa.

Sa labas ng magarbong disenyo
Ng lampara na liliwanag sa dilim,
Nakakubli rito ang bubuwal sa
Maylalang ng gabi.

Ang gayong madurugo,
Sa hidwaang pumagitan
Sa kasarinlan, at kasakiman.

Layon mo'y magpakamatuwid,
Isagani.

Ngunit, wala sa ilog,
Ang naglalamigang-dugo
Na kuta ng mga diyablo.

PalamutianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon