Paano n'yo nasikmura
Ang inyong kasira-sira,
At kasuka-sukang
Mentalidad?Iginigiit n'yo na may
Kapangyarihan ang inyong
Mga ari,Na maghari sa sanlibutan.
Ang inyong mga ari
Ay may taglay na kadakilaan
Na manghusga kung ano
Ang mahalay sa sagrado?Habang ang inyong kanang
Kamay ay walang habas
Kung magsalsal,Habang ang inyong kaliwang
Kamay ay buong husay
Kung manduro?Habang ang inyong mga
Bunganga ay inasal
Ang lahat ng mga inusal
Na ang kanilang ideya
Ay aral, ay biyaya,
Ang tama naHindi dapat ikahiya.
Mga walang hiya!Man-linis.
Nagmamalinis,
'Di iniimis ang dumi,
Kaya mabilis mainis.
Para maipakita angKaniyang matibay,
Malakas, maangas,
At matipuno raw niyang
Manliness!?
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.