Kung ako ay papalarin
Lamang na mabigyan
Ng isang pagkakataon.Dudukutin ko ang
Aking mga mata,
At siyang iaalay sa iyo.Ipapanalangin na ito
Ay iyong kagatan.
At kakayat mula rito ang
Katas ng mga nakaw na tingin,
Na magmamantsa sa iyong mga ngipin.Magdurugo mula rito ang
Mga pagkakataon na sinayang,
At ang mga rason ng aking
Pagmulat sa umaga.At kahit mabulag man,
O mamaalam,
Ako ay magiging parte na
Ng iyong katawan.Dahil palagi nang nasa iyo,
Ang aking pagtingin.
BINABASA MO ANG
Palamutian
PoetryKoleksyon ng mga tula, prosa, dagli, at awitin na binigyang kulay, liwanag, at emosyon ng mundo sa mata ng isang hamak na tao.