"Para!" sigaw ko nang makita ang isang jeep. Huminto ito sa tapat ko kaya dali-dali akong sumakay pero pagtingin ko sa loob ay puno na.
Bakit ba kasi huminto-hinto pa itong jeep na'to kung puno na?!Mas lalo akong napabusangot dahil sa siguradong late na ako sa klase ko. Napasarap kasi ang aking tulog kagabi kahit na ang aga ko namang natulog pero parang mantika talaga ang aking dugo.
Aalis na sana ako kaso may isang pasahero na pumigil sa akin kaya tumingin ako sa kanya.
"Dito ka nalang,Miss. Sasabit nalang ako," aniya sa barito at malamin na boses.
"Ah.....Hindi na po,hahabap nalang ako ng iba," tanggi ko.
Siya naman kasi yung nauna dito tsaka hindi rin ako sigurado kung sanay ba siya sa pagsabit sa jeep. Pati a'ta pagsakay ay mukhang bago lang siya.
Yung kutis niya kasi ay ang kinis at ang puti. Hindi ko naman makita iyong buong mukha niya dahil sa naka-mask siya na kulay black.
"Hindi dito ka nalang," pagpupumilit niya.
"Hindi-" tatanggi na sana ulit ako kaso may isang pasaherong nakisingit.
"Naku,Miss,wag kanang tumanggi para makaalis na tayo." Halatang masungit 'tong pasahero na ito kaya nahiya ako.
Sumang-ayon nalang ako at umupo sa pwesto ng lalaki. Tumayo naman iyong lalaki na kasing eded ko lang din a'ta pero mas matangkad siya kesa sa akin.
"Paki hawak nalang ito." Inabot niya sa'kin 'yung isang paper bag na may design na pang valentine e September palang naman ngayon.
Ewan ko kung bakit pero bawat minutong lumipas ay napapatingin ako sa lalaking nakasabit sa likod. Baka kasi mahulog siya, kunsensya ko naman nu! Talagang hindi kasi siya sanay,kinakabahan pa.
"Para!" rinig kong sigaw ng lalaki sa likod. Kaagad akong lumingon kaso pagkalingon ko ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kabilang daan.
"Teka-!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang umandar na ang jeep at napatingin narin kasi sa akin ag mga ibang pasahero kaya kaagad akong nakaramdam ng hiya.
Gusto ko sana siyang habulin kaso iniisip ko din iyong hinahabol kong klase. Mas importante yun,magkikita pa naman kami siguro.
Bumaba na rin ako ng jeep nang makita ang kanto kung saan papunta sa iskwelahan.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo nang makitang wala ng tao sa labas. Pati nga iyong kuya guard ay wala kaya dumiretso na ako sa loob. Siguradong nasa kwek-kwek'an na naman 'yun para manligaw.
"Oy, Yesha girl. Nagmamadali ka a'ta?" Nakasalubong ko sa daan si Azie na may hawak na soft drinks at fries na siguradong pinabili ni Blake.
"Ahh..oo,e. Late na ako. Sige bye!" pasigaw na sabi ko habang patuloy paring naglalakad."By the way nice hair color!" pahabol na sabi ko.
Iba na naman kasi ang kulay ng buhok niya. Green. Ewan ko kung bakit lagi siyang nagpapalit ng kulay ng buhok,buti nalang pinapayagan siya dahil Tita niya ang may-ari ng school na'to.
"Ma'am sorry I'm late!" sabi ko nang makarating na ako sa pintuan ng room namin.
Napatingin silang lahat sa akin. Hindi naman nag-di-discuss si Maam kanina. Kakarating lang din niya a'ta.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...