Gaya nga ng sinabi ni Emmanuel ay sasama siya saa'kin,hatid at sundo. Kaya ito ako ngayon at namu-moblema dahil sa kalukuhan niya! Hindi pala siya magpapaalam kapag sumasama siya saa'kin!
Pang-apat na araw na niya sa bahay at pang-apat na araw narin 'tong pagsundo niya saa'kin kaso may nag-aabang pala saa'min pagkababa namin ng sasakyan!
"Oh? Bakit ka umaalis ng hindi magpapaalam? Tsaka bakit ka sumasama sa kanya? Bakit kaya kaba niya?" Tinignan ako ng masama ng manager ni Emmanuel kaya napayuko nalang ako.
Wala si mommy kaya nagagawa niya akong pagalitan ng ganito. Sa harap pa ng mga kasamahan nila!
"Sir Ced,sorry,okay? Tsaka wag mong sisihin si Yesha,wala siyang kasalanan. I'm the one who want to go with kuya to fetch her." Pagtatanggol ni Emmanuel saa'kin pero hindi nakinig ang kanyang manager.
"Oh? It's that your obligation now? Your obligation here is to work,Emman. And fetching her is not your work! So be responsible!" Tinalikuan niya kaming dalawa at nagmartsa paalis. "I hate this,my ghad!" Rinig ko pang pahabol niya.
Pilit kong hindi iyon alalahanin pero di mawala sa isip ko yung pagsigaw niya at mariin na pagsasabi niya saa'min. Lalo na kay Emmanuel. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na seryoso siya na parang malalim ang iniisip.
Sa una,akala ko masaya ang pagiging sikat. Pero ngayon nauunawaan ko na. Kahit na mulat na siya sa pagiging sikat ay di' rin pala siya nalalayo saa'min. Kahit na sikat siya,nasisigawan parin siya. Kahit na sikat siya,wala pala siyang laya. Kahit na sikat siya ay may gusto siya na di niya magawa.
Nag-aalala tuloy ako sa kanya.
"Sorry,Yesha." Napatingin ulit ako sa kanya ng magsalita siya.
"Sorry,saan?"
"Sorry kasi napagalitan ka pa dahil saa'kin." Umiling kaagad ako at ngumiti sa kanya.
"Hindi kita sinisisi tsaka wala lang yun. Hayaan mo na yun. Lagi ka ba niyang pinapagalitan?" Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng bahay.
Ni hind nga kami muna hinintay na makapasok sa loob ng bahay bago pinagalitan,e.
"Mmmm...." Ngumuso siya. "Hindi naman." Iling niya.
Nilapitan kaagad siya ng mga ibang kasamahan niya para maayusan na siya at mag shoot na sila. Kahit hapon na,kasi nga dahil sa pagsama ni Emmanuel na sumundo saa'kin ay may nasayang na namang oras para sa trabaho niya. Sa palagay ko'y kasalanan ko'to,dapat hindi ko hinahayaan na sumama siya.
Nauna na akong pumunta sa taas para makapagbihis narin. Si Emmanuel naman ay pumunta sa guest room-sa baba,doon siya natutulog simula nang pumunta siya dito. Ipinaayos pa iyon ni mommy dahil nakakahiya daw. Yung mga kasamahan naman niya ay umuuwi naman kahit na gabi na dahil nahihiya daw sila kaya hindi na namin pinilit.
Ibinaba ko yung bag ko sa lamesa ko at mabilis na tumungo sa banyo para makaligo na. Nagbihis kaagad ako pagkatapos.
Nakita ko na may missed call si Sandy saa'kin kaya dinail ko yung number niya para matawagan.
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya.
"Yesha," aniya na parang in-expect na niyang tatawag ako.
"Bakit ka napatawag kanina?"
"Ahh....nakausap mo na ba si Azie?" tanong niya. Napakunot ang noo ko.
Napaisip din ako. Matagal akong hindi nakasagot dahil sa iniisip ko kung bakit niya iyon natanong saa'kin. Tapos naalala ko na,ni'tong mga nakaraang araw ay madalang nga kaming nagkikita o....hindi na kami nagkikita? Ewan ko. Hindi ko rin napansin. Huling kita ko sa kanya ay nung biglaang pagbabago ng mood ni Blake,nung unang sama ni Emmanuel para ihatid ako.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...