|31|>Pagbangon

4 2 0
                                    

It's was just a normal day para sa lahat. Simpleng araw para sa mga bagay na paulit-ulit ginagawa ng mga tao. But for me,it's not just a normal day because today is not the best but one of the special day for me.

Ngayon kasi I-re-release nng kompanyang nakakontrata sa akin ang magazine ko. Actually magazine namin ni Blake pero extra lang naman siya. Haha, harsh man pero iyon talaga, feeling gwapo siya,e.

"Excited ka na bang makita ang pinaka gwapong nilikha?" aniya sabay taas ng isang kilay. Hindi parin talaga siya nagbabago.

"E,ang pinaka sexy'ng ginawa?" Tanong ko pabalik sa kanya at pinakitaan niya kaagad ako ng nakakagulat na mukha na parang nakarinig ng nakakagulat na balita! Dahil sa sobrang tagal na naming magkasama,nahahawa nadin ako sa kanya.

Mas mahangin na a'ta ako kesa noon. Chos.

"Yesha,Blake! Ready na ba kayo?" Masayang tanong sa amin ng manager namin ni Blake na si Madame B ('B' for Baning) ayaw niya kasing tinatawag sa full name niya dahil napaka ale daw.

Nag thumbs up kami pareho ni Blake. Talagang excited kami ngayon dahil ito din ang pinakamalaking magazine na ilalabas na pinag-model'an namin ni Blake.

"We're very thankful and very happy for this awesome opportunity ma'am!" Ngiting sabi ko bago kinamayan ang owner ng brand ng magazine na si Ma'am Ivy.

"Yes ma'am, and we're glad that you give this opportunity to us. Hope that soon we can work here again?" Banat kaagad ni Blake. Apaka! Apaka kapal talaga ng mukha niya! Kakatapos nga lang ng pag release ng bagong magazine namin,e! Mukhang bumabanat na naman!

Nangangailangan kaya siya? Hindi naman a'ta,ah. Sa huling check ko sa coffeeshop,mas lumago nga,e. Yes, coffeeshop namin. Dahil partner na din kami sa kanyang coffeeshop! Hindi lang sa pagmomodel!

Sa tagal na panahon,Nauto ko din ang mahangin na lalaki na'to. Napakasama talaga Lalo na kapag may libre ka kapag papasok sa kanyang coffeeshop.

Hindi na din kami naghiwalay ni Blake simula noon. Naging mas malapit pa ngakami sa isa't-isa pero hanggang doon nalang iyon. Hanggang sa pagkakaibigan dahil iyong lang ang maibibigay ko sa kanya at ayos lang naman iyon sa kanya dahil alam ko na may hinihintay lang siya.

Naging busy din kami,as in natural na busy dahil sempre nag-aaral parin naman kami. Nasa last year na ako ng college at malapit nang magtapos. Ipinagpatuloy ko parin naman ang pag-aaral kahit na nag model 'yun nga lang ay nagiging hassle na kaagad. Maraming kailangan mas unahin at hindi na hectic ang schedule ko.

Tinutuhanan ko ang pagkuha ng kursong make-up artist dahil iyong na talaga ang hilig ko. Hindi na iyon nagbago,kahit na Isa din iyong sa naging dahilan ng problema ko. Naging masaya sila mommy at daddy sa akin Lalo na si Lola sa narating ko ngayon.

"Mas magiging masaya ako if kayo ni Miss Yesha ay dadalo sa party ko. For the company also,and to celebrate our success." Magandang offer ni MissIvy sa amin kaya tinanggap kaagad namin iyon. Tsaka wala din kaming schedule sa araw na sinabi niya.

"Sure Mrs. Ivy. It's our pleasure."

Sa sobrang excited sa pag release ng magazine namin ay mas lalong lumawak ang opportunities para sa akin at para din kay Blake. Pero mas madalas talagang in-re-request nila na magkasama kami dahil mas maganda daw tignan pero dahil sa minsan istrikto si Madame B ay hindi siya pumapayag at mas gusto niyang single shoot lang ang kuha ko. Pero si Blake kahit sino pweding mag partner sa kanya! Ang unfair pero hindi nalang ako nagreklamo.

Si Madame B lang kasi ang taong tumulong sa akin para makawala ako sa hawlang kumulong sa akin sa kahihiyan at ka walang respeto. Sa sobrang dami ng mga matang mapanghusga noon,pati paglabas ng bahay ay nakukutya na kaagad ako. Dahil lang sa maling akala,nasira ang buhay ko. Dahil sa mga sabi-sabi hindi na nakuntento ang mga tao at mas Lalo akong siniraan. Pero si Madame B, kahit na anong nabasa o narinig niya tungkol sa akin o sa fake news na bali-balita noon ay wala siyang pinakinggan at patuloy lang siya sa pagtulong sa akin.

Nung mga araw na sirang-sira ako ay siya ang naglinis. Nung mga araw na wala akong makapitan ad'yan siya kasama nila Blake para makaangt ulit ako.

Kahit na mahirap ang pinagdadaanan namin dahil may mga nag re-reject sa akin noon ay gumawa parin siya ng paraan para makatungtung ako sa kung anong meron ako ngayon.

Siya ang tumulong sa amin ni Blake para makilala ng mga tao. Siya ang tumulong para maging mataaas kami pero hindi nanghuhusga ng kapwa.

Noong mga panahon na marami ang taong naging hadlang sa akin,ngayon may mga sumusupurta na. 'Yung dating ako na may kakilala at kausap lang na artista noon ay Isa na din sa hinahangaan ng iba. 'Yung dating ako na nagtatagong sumusupurta ay sinusupurtahan na ng iba. Noong akong babang-baba sa sarili ngayon'y nakadungaw na sa baba.

Hindi ko maisip noon kung paano ako babangon. Hidi ko naisip noon na ganito pala ang magiging future ko ngayon. Hindi ko naisip na hanggang ngayon,hanggang ngayon ay hindi ko maisip na nay mga taga hanga na din ako.

Ang saya pala sa feeling nang may humahanga sayo,'yung may mga pumupuri sa bawat gawa mo,'yung mga time na give up na give up kana pero may nag che-cheer up sayo para maging matatag ka.

Hindi ko akalain na an'dito na ako ngayon. Hindi ko ma-imagine noon na magiging ganito ako sa hinaharap. Kung iisipin,masyadong mahaba at mahirap ang naging hakbang ko patungo dito, kung iisipin,maraming humadlang sa akin pati na ang sarili ko.

Oo,naging hadlang din sa akin ang sarili ko dahil sa naging mahina ako noon. Masyado kong pinairal ang pagkahina ko at pakikinig sa mga iba.

"Congrats,Yesha. Masaya ako para sayo." Lumingon ako kay Blake at kitang kita ko kung paano lumiwanag ang kanyang mga mata. Unti-unting gumuhit sa aking labi ang matamis na ngiti. Nakakahawa kasi ang ngiti niya sa akin.

"Congrats din sayo. Mas masaya ako ngayon dahil sayo." Siya lang ang taong nasa tabi ko noong kailangan ko nang makakapitan. Siya lang iyong taong hindi ako sinukuan at patuloy na nasa tabi ko.

It's almost two years was passed by but I'm still going strong for my self. Still fighting for my self and continuing doing what I want. Mahigit sa dalawang taon na ang nakalipas,marami na akong natutunan. Marami na akong nalagpasan bago marating kung ano ang meron ako ngayon.

Ngayon pa ba ako susuko?

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon