|6|>Sunrise

5 2 0
                                    

"So....paano kayo nagkakilala?" Usisa ni Azie.

"Coincidence." Maikling sagot ko. Naalala ko na naman iyong sagot ni Emmanuel.

"Gwapo siya,ah," komento niya.

Tinignan ko si Emmanuel na prenteng nakaupo habang kausap si Blake tungkol dito sa coffeeshop niya,dati.

"Wait lang po ma'am," sabi ng isang crew na nag-aasikaso sa order namin. Ako na ang nag buluntaryong mag-order,sumama rin si Azie para makaiwas ako pero hindi rin pala dahil sa tanong ng tanong si Azie. Ang dami pa niyang komento tungkol kay Emmanuel.

"Attracted ba siya para sayo?"Biglaang tanong niya.

Tumingin ako sa kanya ng nakataas ang isang kilay. "Gwapo siya,artista,malakas ang karisma.Sure akong marami ring nagkukumahog sa kanya." Tanging sagot ko.

Isa siyang artista,maraming camera,mata,tao na nagkukumahog para lang makita siya habang siya wala man lang pakealam sa mga taong nakatitig sa kanya. Mas dumami narin ang mga tao sa loob ng coffeeshop. Kinakailangan narin ng mga crew na limitahan at pagbawalan ang mga pumapasok para lang makita si Emmanuel!

"Heres your order ma'am." Kinuha na namin yung order naming kape bago bumalik sa table.

"Oh." Inabot sa kanila ni Azie ang kape. Hawak hawak ko naman ang saakin at umupo sa tabi ni Blake.

"May asukal ba 'to?" tanong ni Emmanuel sa kapeng ako ang um-order. Iba kasi ang order ni Azie.

"U-uhmm...wala." umiling ako. "Pasensya na,ah. Di' kasi ako naglalagay ng asukal,e. Nag-aasukal ka ba? Gusto mo palitan ko?O palagyan ko nalang? Nakakahiya" Tumayo kaagad ako.

"No.no.Ayos lang, actually hindi ako nag-susugar." Umupo narin ako. "So,kaibigan mo pala si Blake?"

Tumango ako. "Matagal na."

"Swerte niya nu?" Singit ni Blake. Sinikuhan ko kaagad siya dahil sa kayabangan niya.

"Mas swerte ka kaya,may kaibigan kang maganda." Ganti ko.

"Oo na maganda kana." Suko niya kaagad at pinisil pa ang ilong ko.

"Ehem...kaibigan mo rin kaya kami." Parinig ni Sandy sabay simsim ng kape.

"Oo na.Maganda kayong tatlo pero si yesha ang kakaiba." Kumindat siya sa'kin kaya nagpakita kaagad ako na parang nandidiri sa kanya. "Wow,ah.Diring-diri sa kindat ko,e nung elementary nga tayo ikaw iyong nanguha ng first ki-ssmmm..."kaagad kong tinakpan ang bibig niya.

Napatayo ako bahagya para lang masigurado na hindi niya matutuloy ang sinasabi niya.

"Tumigil ka Blake."Banta ko.

Nag peace siya at naningkit ang mata dahil sa nagpipigil ng tawa. Napasulyap ako kay Emmanuel nang maramdaman ko ang matalim na titig niya sa amin. Nakaramdam kaagad ako nang pagkahiya kaya tinanggal ko ang kamay ko sa bibig ni Blake at umupo nalang ulit.

"First kiss niyo ang isa't-isa?" Kunot noo at malamig na tanong ni Emmanuel.

"Coincidence," sagot ko at suminghap. "Dahil sa kagaguhan niya." Nginuso ko si Blake.

"Oy,di ah. Your a liar."Maarteng sabi niya at tinulak pa ako sa kinauupuan ko kaya muntik na akong mahulog! Buti nalang hindi ko hawak yung kape ko kundi natapunan na sana ako!

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon