"Good morning, sweetie." Hinalikan ni mommy ang pisngi ko nang madatnan ko siya sa kusina.
"Aalis na po kayo?"
Tumango siya. "Yes,I need to go to your Tita Tess,she's sick and no one can take care about her today," aniya. "Uuwi rin ako mamayang gabi o kaya baka sa madaling araw."
Napabusangot ako habang sinusundan ko siya ng tingin paalis ng bahay. Iiwan na naman niya ako ditong mag-isa kasama ang mga kasamangbahay.
Nagpakalumbaba ako at nagpakawala ng hangin. Napatingin ako sa wall glass sa kusina kung saan makikita ang garden. An'dun na si Emmanuel kasama ang mga staff at director para sa shoots niya ngayong araw. Unang araw niya sa bahay. Tsk.
Nang makauwi kagabi si mommy ay in-explain niya saa'kin kung bakit an'dito si Emmanuel. Sabi niya ay nagustuhan daw ni Emmanuel ang garden tapos si mommy pala yung nag offer na pwedi siyang mag photoshoot doon! Sinabi rin niya na pwedi siyang mag-istay dito dahil magkakilala naman kami tsaka kilala daw niya si Emmanuel na artista! Na sikat! Sempre....tuwang-tuwa si mommy.
Nag-explain pa nga ako kung paano kami nagkakilala at nagkita. Pinagalitan niya rin ako kung bakit daw hinddi ko sinabi na may kaibigan akong artista!
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang umirap nalang habang nagsasalita siya. Nanunuod kasi si Emmanuel saa'kin nun at natatawa siya sa itsura ko. Sa palagay ko nga'y iniinsulto niya ako!
Akala ko ba naman napakaseryoso niya tsaka masungit,yun pala may iba siyang side na hindi niya masyadong ipinapakita. Iba talaga kapag hindi mo kilala masyado yung tao. Iba yung pinapakita niya sa iba at iba rin sa iba .
Nang napalingon siya saa'kin ay kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"Manang...ano pong pagkain d'yan?" tanong ko kay manang.
"May toasted bread po dito ma'am,tsaka may itlog din po," aniya. Tumango ako para senyas na bigyan niya ako na siyang ginawa niya.
"Salamat po."
Kinuha ko yung tinapay at pinatungan ng itlog bago tinapay ulit. Nang kagatin ko na sana ang tinapay ay siya namang pasok ni Emmanuel.
"Good morning," bati niya at dumiretso sa may ref para kumuha ng tubig.
"Morning. Kumain kana?" Kumagat ako sa tinapay.
"Hind pa. Bawal akong mag breakfast,"aniya.
"Bakit?"
"Diet."
Sobra naman a'ta ang diet niya. Hindi naman siya mukhang mataba ah? Sakto lang naman ang katawan niya.
"Wala ka bang pasok?" aniya na nagpatigil saa'kin.
Oo nga pala! May pasok na ngayon!
"Oo nga pala. Sge,sge samatat." Kaagad akong bumalik sa kwarto ko para makaligo na kaagad. Nakalimutan ko talaga na may pasok ngayon!
Dahil malalate na ako ay mabilis lang akong naligo at nagbihis ng unipurmi ko.Hindi narin ako nagsuklay ng maayos.
"Bye! Alis Nako," sigaw ko pababa palang ng hagdan kahit na hindi ko naman alam kung may nakarinig ba saa'kin.
Tumakbo ako hanggang sa may garage para makasakay na kaagad. Kanina parin pala nakahanda ang sasakyan na maghahatid saakin sa school,ako nalang ang hinihintay.
"Tara na kuya," sabi ko sa driver pero bago pa ako makapasok ay napatigil ako dahil sa tawag sa pangalan ko ni Emmanuel.
Nang tignan ko siya tumatakbo na siya at nakabihis. Kanina naka short lang siya pero ngayon naka pants na siya.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...