37>Happy birthday

5 0 0
                                    


"Oh! Yesha! Nagkita na pala kayo ni Emmanuel?" Inosente'ng tanong sa amin ni Sandy nang makita niya kami sa mini stage o center concert dito sa Dalampasigan kung saan nag pe-perform at nag p-ractice sila Lymes.



Kaninang sinabi ni Emmanuel na 'tara na' ay ewan ko kung bakit parang robot akong sumunod sa kanya at dito kami napunta.



"Ah,oo nagkita kami sa may tabing ilog," sagot sa kanya ni Emmanuel



Tumingin siya sa akin ng nakangiti na para bang wala siyang alam sa nangyayari kung bakit kami nagkita e alam ko naman na may kinalaman siya dito kung bakit kami nagkita!



"Oh? That's nice. So how's the views? Do you like it?" Baling niya kay Emmanuel.



Nagkamustahan muna sila Emmanuel at Lymes bago sumagot, "it's nice and I think I'd would like here."



Naging abala ulit si Emmanuel sa pakikipag-usap kay Lymes nang kung ano at si Sandy naman ay kaagad na lumapit sa akin at hinigit ako palayo sa kanila.



"Oy,oy,oy! So....ano na?" Excited na tanong niya. Kumunot naman ang noo ko sa tanong at tuno ng kanyang boses.



"Anong ano na? Tsaka bakit an'dito si Emmanuel? Diba sabi mo, makaka relax ako dito? Paano ako makaka relax kung an'dito siya? At akala mo ba hindi ko alam na may kinalaman ka dito?" Sunod sunod na sabi ko.



Tinignan niya naman ako ng nakakaduda kaya nakipagtitigan din ako sa kanya. Akala siguro niya makalulusot sa akin ang mga tinginan niyang ganyan.


Sa huli,siya din ang natalo. Inirapan niya ako at tinignan na para bang nababagot. "E,kasi po....tinanong niya kung nasaan ka. E,ano ang sinagot ko? Edi sinagot ko kung nasaan ka!" aniya na para bang ako pa ang may kasalanan."Tsaka ako din nagulat na an'dito siya,nagkataon lang nu! Matagal na kasi niyang sinabi na pupunta siya dito kapag birthday niya e hindi ko alam na ngayon pala birthday niya," paliwanag niya na tanging 'birthday niya' ang naiwan sa utak kong sinabi niya. Birthday ni Emmanuel ngayon? " Tsaka wag ka nga! Alam kong gusto mo siyang makita! Kaya ito na ang chance mo,sge bye na!"



Sinundan ko siya nang tingin palayo sa akin nang walang sinasabi. Ang mukha tuloy sa mga sinabi niya ay ako ang dapat maghabol!



Bakit naman ako ang manghahabol? Bakit? Ako ba unang sumuko?



Ako ba? Kung oo.....may dahilan ako! Pero bakit nga ako maghahabol? Kung pwedi namang siya?



Pero... birthday niya ba talaga? Tumingin ako sa direksyon ni Emmanuel na nakatayo at nakalagay ang magkabilang kamay sa kanyang bewang habang kausap si Lymes sa tungkol saan. Napatingin din ako kay Lymes, ibang iba na talaga siya. Hindi na siya iyong dating Lymes na nakita kong umiyak para kay Sandy noon. Parang satisfied na siya kung anong meron siya...dahil kay Sandy. At masaya ako para sa kanila.



Napagpasyahan kong bumalik muna sa room ko para makaligo na ako. Siguro bukas nalang ako maliligo sa dagat. Nawalan kasia ko ng mood ngayon.



Hanggang sa matapos akong maligo ay hindi mawala sa isip ko ang kuryusidad kung talaga bang birthday ni Emmanuel ngayon? August 2,ngayong araw na ito kung hindi ako nagkakamali. Bakit hindi ko nalaman nung kami pa? Bakit hindi niya noon sinabi?



Hindi na ako lumabas ng room ko nang tumawag si Blake sa akin pagkatapos maligo. Tinanong ko kung bakit hindi siya sumabay sa akin,e sabi niya noon na gusto niyang sumama kahit wala sa itsura niya ang excitedment. Sabi niya may biglaang meeting daw siya e paano siya mag me-meeting kung wala naman siyang kompanya? Kung iyong coffeeshop naman dapat alam ko. Partners kaya kami.



Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon