Mabilis akong tumakbo papunta sa coffeeshop kung saan an'dun si Sandy. Nag-aalala ako sa kanya kaya hindi na ako makapag-isip ng maayos.
"Salamat Emman. Ayos na ako dito," sabi ko kay Emmanuel at humarap sa kanya nang makita ko na si Sandy na nakadukduk ang mukha sa table kaya hindi niya ako nakita.
"Are you sure?" Tumango ako. Nahihiya narin ako kasi alam kung may problema siya tapos nagpahatid pa ako dito.
"Hayaan mo. Bawi ako sa susunod." Ngumiti ako. Tumango naman siya. "Sorry talaga. Sorry.Bye!" Sunod sunod na sabi ko sa taranta.
Umalis na kaagad ako dun at dinaluhan si Sandy. Kahit na umupo ako sa tapat niya ay di' siya nag-angat ng tingin kaya hinawakan ko yung kamay niya. Nagulat pa siyang nag-angat ng tingin. Nakita ko kaagad sa mata ang pagod at sakit. Basa rin yung lamesang dinukdukan niya.
"Ayos ka lang?" Mahinahong tanong ko. Pinilit niyang ngumiti pero bigo siya kaya tinakpan niya kaagad yung mukha niya gamit ang palad niya para itago ang mukha niya.
Alam kong di niya kaya pero ganyan talaga si Sandy. Ayaw niyang nakikita namin siyang umiiyak kasi matapang siya. Siya lagi yung nagproprotekta saa'min. Siya yung matapang saa'min. Ayaw niyang umiiyak sa harap namin lalo na saa'kin kasi baka daw mag-alala kami pero mas nag-aalala ako ngayon sa kanya.
"Wala na kami,Yesha," sabi niya sa gitna ng pag-iyak niya. Buti nalang walang masyadong ibang tao dito. "Tama naman Ako diba? Tama naman na pakawalan ko siya kasi yun yung makakabutu saa'min. K-kasi....kasi..." di na niya matapos tapos ang sinasabi niya dahil sa iyak niya. Mas pinangungunahan siya ng iyak.
Ramdam ko ang pag-init sa gilid ng aking mga mata. Nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita ang kaibigan ko na nasasaktan. Na...umiiyak. Gusto ko siyang patahanin pero hindi ko alam kung papaano. Ayokong mabalik na naman siya gaya ng dati. Yung unang nabigo siya sa pag-ibig,masakit na makita ko siya noon na ganun pero mas masakit ngayon. Ramdam na ramdam ko na mahal niya yung lalaki'ng hiniwalayan niya. Hindi ko man kilala kung sino yun pero alam kong mahalaga siya kay Sandy. Hindi naman magiging ganito 'to kung hindi.
Tumayo ako at tumabi sa kanya para kayapin siya. "Sushh...ayos lang yan.Oo tama ka. Suguro kailangan niya yang dalawa kung ano man ang nangyari....kailangan niyo Ng panahon para....mag-isip." Unti-unti siyang nag-angat ng tingin saa'kin kaya ngumiti ako.
"Salamat." Panimula niya. "Kahit na Hindi ko sinasabi sayo yung problema ko an'dyan ka parin para sa'kin. Sorry kasi Hindi ko sinabi. Sorry kasi naglihim ako sayo. Sorry-"
"Ano ba,tama na ang sorry sorry," putol ko sa kanya. Panay naman kasi siya sorry ng sorry e wala naman siyang ginawang masama saa'kin. "Ayos lang saa'kin kahit hindi mo sabihin, an'dito lang ako."
Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang luha niya sa pisngi gamit ang hinlalaki ng kamay ko.
Tumahan na siya pagkatapos. Nag-order narin ako ng juice para saa'min para naman kumalma siya. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya,inuusisa kung talagang ayos na ba talaga siya.
Napatingin siya saa'kin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Baka mahalata niya kasi. Nag-aalala lang naman ako sa kanya.
"Yesha...."tawag niya. Lumingon ako sa kanya habang umiinom ng juice. "G-gusto mong malaman kung bakit?" Hindi ako nagsalita. Tumango lang ako. Gusto ko ring malaman kung bakit siya umiiyak.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...