"Blake bilis dito ka!" Tawag ko kay Blake nang makita kung saan kami pipila para sa panunuodin naming film ni Emmanuel!
Yes! Ito na ang matagal ko nang hinihintay lalo na ang mga tagahanga ni Emmanuel na talaga namang napakarami. Halos mapuno na ang buong sinehan dahil sa gusto nilang manuod. Wala naring available tickets,buti nalang at may ibinigay sa'akin si Emmanuel na two tickets para sa amin ni Blake. Kung andito lang sana sila Azie at Sandy ay kami ang magkakasama,kompleto sana kami para suportahan ang boyfriend ko.
Alam narin nila na kami na, actually kasasabi ko lang sa kanila noong nakaraang linggo. Naging maayos naman. Tinanggap nila. Si Azie naging masaya siya kahit na alam ko na dapat ay hindi ko muna sinabi sa kanya dahil may pinagdadaanan siya. Si Sandy naman ay masaya daw siya para sa akin at may tiwala siya kay Emmanuel. Si Blake naman,sempre naging O.A na naman siya at naging dismayado,parang may kasalanan nga ako sa kanya dahil alam ko na may gusto siya sa kin kaso may gusto naman akong iba. Pero alam ko naman na iba ang sinisigaw ng kanyang puso,at yun ay si Azie.
"Excited mo naman masyado parang ang ganda ng ginawa nilang film e mas magaling akong umarte d'yan," Ani Blake habang nakapila kami.
"Edi sana sumali ka?" Sinakayan ko naman Ang trip niya. Ang hangin na naman niya.
Pinilit ko lang Kasi siya kanina na sumama sa'akin dahil wala akong ibang pweding kasama. Busy siya sa coffeeshop niya kaya dapat ay di' masayang ang oras niya pero dahil makulit ako at hindi niya pweding tanggihan ay napapayag ko siya.
Gusto ko sanang si Emmanuel pa ang Isa sa mga kasama ko pero dahil film niya ito at may interview sila ngayon kasama si Cian ay di' sila pwedi.
"Di' sana hindi na sikat yang boyfriend mo?" Mayabang na sagot niya.
Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil sa pag-usad ng pila at papasok na kami sa loob. Buti nalang at sa gitna ang pwesto namin. Komportable at magandang pwesto.
May dala rin akong pop-corn at si Blake naman ang may hawak sa inumin namin.
Hindi naman ako iyong bida sa ipapalabas na film pero kinakabahan ako. Napakarami ko na kaagad iniisip na baka hindi magustuhan ng mga taga-hanga niya o kaya naman ay ma-bored sila pero base naman sa mga napanuod ko noong nag sho-shoot sila ay maganda kaya may tiwala ako.
Nagsimula palang ang palabas ay marami nang kinikilig kila Emmanuel at Cian. Rinig na rinig ko ang mga bulungan nila at tili nila. Napapatingin naman sa akin si Blake sa bawat paggalaw ko. Naiilang na kasi ako sa bawat bulong ng mga katabi namin kagaya ng;
"Bagay na bagay sila."
"Siguro sila na,mukhang totoo yung mga ginagawa nila."
"Ayos ka lang?" Bulong na tanong ni Blake at lumapit pa bahagya sa'akin para makabulong.
Tumango ako at ibinalik sa pinapanuod namin ang atensyon. Scene na iyon kung saan nasa isang restaurant sila at nagdi-dinner. Ewan ko kung ako lang ba pero pamilyar na pamilyar sa'kin ang scene na pinapanuod namin ngayon. Lalo na nung tumunog ang isang music na talagang nagpataas ng balahino sa'kin.
Y-yung kanta. Tapos tumayo si Emmanuel tsaka naglahad ng kamay kay Cian. Alam kong palabas lang ito,alam kong di' totoo ang pinapanuod namin pero nalala ko yung time nakumain kami ni Emmanuel sa labas tapos isinayaw niya ako.....kagayang kagaya ng ginagawa nila ngayon sa pinapanuod ko.
Kanta ni James Wright' na 'sanay ikaw'. Nakahawak si Emmanuel sa bewang ni Cian—kagaya ng paghawak niya sa bewang ko noon. Iyong kamay ni Cian nakalagay sa mga balikat ni Emmanuel—kagaya ng paghawak ko sa balikat niya noon.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...