|11|>Gazee

5 2 0
                                    

"Kayo na ba?" Malamig na tanong ni Blake saa'kin habang seryosong nakatingin sa mga papeles na nasa harapan niya.


Nakaupo kami sa isang table dito sa coffeeshop niya.Wala nang ibang tao dito kundi kaming dalawa. Bukas ang mga ilaw pero naka dim lang ito.


"Hindi," maikling sagot ko. Gulat parin ako sa ginawa ni Emmanuel. Para saan naman iyong pagkayap niya? Sa sayaw? Napakababang dahilan naman a'ta. Sa pagsama ko sa'kanya? Normal lang naman yun.


"E,bakit ka niya niyakap?"


"Ewan ko." Nagkibit-balikat ako.


Sinundan ko siya nang tingin ng biglaan siyang tumayo at pumunta sa counter. May kinukulikot siya doon,mukhang magtitimpla ng kape.



Bumalik siyang may dalang dalawang tasa. Ibinigay niya saa'kin yung Isa. Akala ko ay kape yun pala,gatas.



"Salamat..."


Tumango lang siya at tinuon ulit ang atensyon sa binabasa. Sumimsim naman ako sa gatas bago siya tignan ulit. Bakit parang ang lamig ng timpla niya? Hindi ng gatas kundi yang presensya niya. Galit ba siya?



"Blake..." tawag ko pero hindi siya nag-abalang tumingin sa'akin. "Galit kaba?" tanong ko.


"Hindi."


"Anong yang ginagawa mo?"


"Chi-nicheck ko yung stocks."


"May problema ba?"



"Wala."



"M-may...." Magsasalita pa sana ako kaso pinili ko nalang na itikom ang bibig ko dahil sa ramdam ko na wala naman a'tang balak na kausapin ako ni Blake. Baka busy talaga siya sa ginagawa niya. Pero....


"Blake...kausapin mo ako ng maayos." Utos ko. Nag-angat siya ng tingin.


"Bakit? Maayos naman akong makipag-usap,ah?" Pinilit niyang ngumiti pero bigo siya.


Ngayon,sigurado akong mag problema siya. Hindi siya ganito. Hindi ganito si Blake,e. Kapag seryoso siya alam ko kung may problema siya kasi kahit na seryoso siya sa ibang bagay ay nakukuha parin niyang sumagot ng pabiro.


"May problema ka ba?" Alalang tanong ko. "Sabihin mo saa'kin,Blake. Baka makatulong ako. Kaibigan kita." Napasinghap siya pagkasabi ko nun.


"Ayos lang Yesha..." Pilit siyang ngumiti.


Napabusangot naman ako kasi alam ko na nagsisinungaling siya.


"Hay,bahala ka nga aalis nalang ako." Tumayo ako at naglakad na papunta sa pintuan pero kaagad niyang hinigit ang braso ko. Napangiti ako bago ulit nagseryoso para humarap sa kanya.


Seryoso ang kanyang mukha. "Sorry..." aniya at ngumuso.


"May problema ba kasi?" Hindi siya nagsalita. Nag-iwas lang siya ng tingin. "Oy.." pilit ko sa kanya at pilit na hinuli ang mga mata niya.


"K-kasi pakiramdam ko pinagpalit mo na ako kay E-Emmanuel na yun.." umirap siya. Napatawa naman ako sa ginawa niya.


Nagseselos ba siya? Kaya ba nagsusungit siya dahin doon? Dahil lang kay Emmanuel nagseselos na siya? Wala naman dapat siyang ika selos kay Emmanuel dahil siya naman ang kaibigan ko,siya yung nauna.


"Hay....selos naman ne'to." Mas lumapit ako sa kanya para mayakap siya. Hindi kaagad siya gumalaw nang niyakap ko siya kaya napangisi ako. "Walang papalit sayo,Blake."


Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon