"Emmanuel dito!" sigaw na naman ulit ng manager ni Emmanuel. Kanina pa ako di mapakali sa kinauupuan ko. Pati mata ko ay di' mapakali,hindi ko alam kung saan ako titingin. Bawat tawag ng manager ni Emmanuel sa kanya ay sinusundan ko ng tingin.
Mahigit mag-iisang oras na ako dito pero pinili ko na dito na muna kasi baka magalit si Emmanuel kung umalis ako ng hindi nagpapaalam.
Hindi ko alam kung bakit ako dinala dito ni Emmanuel. Akala ko ay may sasabihin siya pero wala naman. Dumiretso kami dito sa pinag-t-taping'an nila.
Kita ko na talagang mahirap ang trabaho niya. Sa ganyang edad niya,sobra sobra na ang pasakit niya para lang sa mga taong may gusto sa kanya. Kapag nakikita ko siya,nakikita siya ng mga taga-hanga niya ay ang nakikita lang nila....masaya siya,kuntento,maswerte kasi kilala siya pero sa likod ng sayang nakikita nila hindi nila alam kung ga'ano siya kapagod para lang maipakit sa kanila na ayos siya.
"Asan 'yung make-up artist!?" sigaw na naman ng isa sa mga director. Maraming mga tao dito sa studio. Marami ang busy. Ako lang a'ta ang walang ginagawa. Gumagawa sila ng commercial para sa isang pabango na bagong labas. Siya ang napili dahil patok na patok sa mga kababaihan,sempre.
"Wala pa po!" sigaw pabalik ng isa.
"Hah?!" Dismayadong aniya director. "Sinong mag-ayos kay Emmanuel!?" Hindi ko na makita ang director dahil sa palapit na si Emmanuel sa akin habang inaayos ang nagulo niyang buhok.
"Ayos ka lang?"tanong niya at kumuha ng bottled water sa tabi ko.
Tumango ako. "Ikaw? Ayos ka lang? Sobrang stress dito,ah. Tsaka gabi na hindi ka ba magpapahinga?" Nag-aalala ako sa kalagayan niya.
Tumawa siya ng mahina bago umupo sa tabi ko. Kahit paano naman ay nasasanay na ako sa malakas niyang awra. "Kailangan,e.Hindi kasi ako pumasok kanina kaya ganito ngayon ...," aniya.
May lumapit sa aming isang kasamahan nila na may parang headset sa ulo na may maliit na mic,parang sa mga call center. May hawak rin siyang mga paper.
"Sorry Mr. Esgeurra,wala pa po iyong make-up artist baka matagalan po,"aniya sa mababang boses.
Napakamot sa sentido si Emmanuel bago tumango.
"Sorry,ah?" Baling niya sa akin.
"Sorry saan?"
"Sorry kasi dinala kita dito,baka mapuyat ka. Kung gusto mo ipahahatid nalang kita kay kuya Jeff. Wala pa kasi iyong make-up artist,e. " Paliwanag niya.
Napaisip naman ako. "G-gusto mo make-up'an kita?" Mungkahi ko.
Gulat siyang napatingin sa akin,di makapaniwala kaya ngumiti ako.
"Really? Alam mong mag make-up?" Tumango ako. Ang o.a naman ne'to maka react.
"Pero...hindi masyado." Marunong akong mag-make up oo pero hindi ako magaling. Tsaka ngayon lang ako makakasubok na mag make up sa iba. Panay kasi sa sarili ko lang ang mini-make-up'an ko. Nanunuod ako ng mga tutorial minsan tapos magaling din mag make up si Sandy kaya alam ko iyong iba't-ibang klase ng make-up at kung ano ano ang mga step.
"Oh,ayos lang. Hindi naman mabigat ang mga make-up's ko just lights,tho," aniya. "Kim! Kim!"sigaw niya sa isang babae na kaagad namang lumingon at lumapit sa amin. "Dalhin mo dito iyong make-up kit," utos niya. Halatang gustong magtanong ng babae pero sinunod na niya lamang ito.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...