"Aww...." Maarteng sabi niya tsaka niya ako tinignan ng masama.
"Sorry." Paghingi ko kaagad ng tawad. Hindi ko naman kasi sinasadya na madiinan yung bulak na may alcohol sa sugat niya dahil hindi 'to malilinisan ng maayos kung hindi madidiinan.
Ang liit-liit nga ng sugat,e! Kaso mahaba. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha pero para itong nakalmot.
Nang matapos ko nang linisan 'tong sugat niya ay pinunit ko iyong papel ng bad aid at tinakpan 'yung sugat niya. Dalawang bad aid pa yung inilagay ko dahil mahaba yung sugat niya.
"Napa'no ba yan?" Curious na tanong ko dahil hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong magtanong.
"Wala ka na dun." Tumayo siya at nagsimula nang maglakad. Mabilis ko naman siyang hinabol at pinantayan ang lakad niya.
Pinabayaan ko na ang ginamit kong panggamot dahil tinapon ko na sa basurahan 'iyon. Nasa tabi lang kasi kami ng trash bin.
"Bakit ka naka-mask? May sakit ka ba? Hindi ka ba naiinitan?" Sunod-sunod na tanong ko.
Ewan ko pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na magtanong lalo na kapag talagang curious ako tsaka....mukhang nakaka-excite malaman iyong mga bagay na tungkol sa kanya. Masyadong malakas ang awra niya para sa'kin at nais ko iyong kilatisin.
"Bakit ba ang dami mong tanong?!" Medyo iritadong sabi niya tsaka siya huminto para harapin ako ng nakakunot ang noo. Kita ko sa mukha niya pagkainis.
"Bakit hindi mo ako sagutin?" Reklamo ko. Napaka-sungit! Naka ilang tanong na ako pero ni Isa wala man lang siyang sinagot!
"Alin sa mga tanong mo ang una kong dapat sagutin?" Puno ng sarkasmo ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit ang sungit niya sa'kin! Kanina lang ay ang bait-bait niya sa jeep.
Napanguso nalang ako. Hindi naman talaga ako palatanong....oo na. Medyo lang naman ako palatanong kapag interesado ako sa tao. Hindi ko naman kasi mapigilan 'tong sarili ko. Pinanganak talaga akong madaldal,e. Anong magagawa ko?
Hindi ako nakasagot dahil hindi ako makahanap ng salitang maisasagot sa kanya. Inirapan niya lang ako tsaka nagpatuloy ulit sa paglalakad kung saan siya tutungo.
Gusto ko lang naman malaman ang pagkatao niya kaso bakit ang mukhang mahihirapan ako?
Susunod na sana ulit ako sa kanya kaso tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako at kinapa ko iyon sa bulsa ko bago sinagot.
"Hello,Blake,bakit?"
"Hello,Yesha,asan ka?" Halata sa kanyang boses ang pag-aalala kaya napangiti ako. Lagi nalang siyang ganyan.
"Luko ka. Iniwan-iwan niyo akong mag-isa tapos ngayon hahanapin mo'ko?" Natatawang sabi ko. Napanguso rin ako dahil sa pag-iisip kung ga'ano siya nag-aalala nang wala ako sa pinag-iwanan nila sa'akin.
Hindi man lang nila sinabi sa'akin kung saan sila pupunta kanina tapos ngayong hahanap-hanapin nila ako. Parang hindi kami magkakaibigan,ah. Char.
"Sorry na...." Malambing na sabi niya. Sigurado akong nakanguso na siya. Ramdam na ramdam ko sa boses niya na censer siya. "Pero....saan ka ba nagpupupunta? May kasama kaba?" Kaagad kong naalala iyong lalaki'ng kausap ko kanina.
Lumingon ako kung saan siya nagtungo kanina pero hindi ko na siya makita. Naglakad ako sa direksyon kung saan siya naglakad kanina. Ang alam ko papunta iyong parking lot ng plaza kaya madali akong naglakad.
"Sandali lang,Blake." Pinutol ko na ang tawag tsaka mas binilisan ko ang paglalakad papunta sa parking,nagbabakasakaling maabutan ko pa siya.
Nilibot ko kaagad ang aking tingin sa buong parking lot. Nakita ko kaagad siya na nakasandal sa isang sasakyan habang may katawag. Kahit ang layo ko sa kanya ay ramdam ko iyong malakas na awra niya. Bakit hindi ko 'yun naramdaman kanina?Parang napaka-professional niya sa bawat galaw niya.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...