|18|>Sigurado

5 2 0
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging busy ulit ako dahil palapit na ng palapit ang aming pagtatapos. Natutuwa ako kasi kaunting tiis nalang at makatungtung na ako sa kolehiyo. Masaya din ako dahil alam ko na kung anong kukunin kong kurso. Dahil na din sa pagpayag nila mommy at daddy.

"Yesha, complete na ba yung mga activities mo?" tanong sa akin ni Sandy habang nasa cafeteria kami't nagmimeryenda.

Ngayong linggo'ng lasing 'to ay kailangan mai-pass na namin lahat para ma-compute na ang mga grades namin.

"Oo,tapos na," sagot ko sabay subo ng pagkain.

"Uhmm.." Pumakalumbaba siya. "Si Azie ba nakakausap mo?"

Natigil ako. "Hindi pa." Umiling ako. Simula nung araw na sinabi niya sa'kin na gusto niya si Blake....di' na kami nag-uusap. Nagkikita naman kami pero lagi siyang umiiwas. Gusto ko siyang lapitan kaso baka mailang lang siya sa'kin tsaka sinabi din niya sa 'kin noon na kailangan lang niya na makapag-isip. Suguro may panahon din para makapag-usap kami. Siguro nasasaktan parin siya hanggang ngayon. At naiintindihan ko naman iyon. Nasaktan lang din siya.

"E...si Blake? Nag-uusap ba sila?" tanong ulit niya.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam,e. Walang nakukwento si Blake. Tsaka kapag tinatanong ko si Blake,lagi niyang sinabi na ayos lang daw silang dalawa." Kapag tinatanong ko si Blake kung nag-uusap ba sila ni Azie,ayos lang daw sila.

"Magkakaayos din sila."

Natapos kaming kumain ay bumalik na kami sa room. Wala namang madaming ginagawa kaya ayos lang na kahit di' na kami pumasok kaso pinilit ko ang sarili ko kasi wala din akong ginagawa sa bahay.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Text galing Kay Emmanuel.

Emmanuel:

Hey,free ka ba mamaya?

Napangiti ako. Ilang araw na kaming hindi nagkikita. Panay text at tawag lang dahil sobrang busy niya sa film nila ni Cian. Maraming umaabang doon na fans kaya mas lalo nilang sinisipagan ang paggalaw. Nag-aalala nga ako sa kanya dahil halos wala na a'ta siyang pahinga.

Pero nakukuha naman niya akong itext at tawagan minsan. Tadtad na nga ag messages niya 'yung message box ko,e! Tsaka iyong mga text niya parang kami na,kung tumawag tsaka magselos kala mo naman may karapatan siya.....siguro?

Nagtipa kaagad ako ng reply.

Ako:

Okay.

Wala naman akong ginagawa ngayon. Pweding-pweding um-absent kasi tapos ko na lahat ng activities ko.

"Bye mauuna na ako," sabi ko kay Sandy nang dumating na ang sundo ko. Si kuya Jeff. Pinasundo ako ni Emmanuel sa kanya para daw hindi na ako mag commute papunta sa pinag-t-tapping'an nila.

"Hi kuya!" bati ko sa kanya.

"Hello....," aniya nang nakangiti bago pinaandar ang shinning simmering na sasakyan.

"Malayo ba iyong lugar kuya?" tanong ko. Hindi ko kasi natanong kay Emmanuel iyong lugar kung saan sila nag t-taping.

"Hindi naman,ma'am," aniya.

Bigla naman akong nahiya nang marinig ko ang 'maan'. "Naku kuya,Yesha nalang," sabi ko.

Hiya siyang tumawa. "E...—"

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon