Hindi ko alam kong nag- assume lang ba talaga ako o kung ano. Nakita ko kung paano ako pagmasdan ni Emmanuel. Hindi niya maalis ang tingin sa akin na para bang sinusuri ang bawat galaw ko. Pati ang pag-upo,nakaupo ako katabi ng dalawang babae,bale nasa tapat ko silang pareho ni Cian. Nakakailang naman.
Kaninang nakipagkamay ako ay parang may lindol na namayani sa tyan ko na kaagad ding nawala. Kay Cian naman....parang wala lang sa kanya. Wala naman bago sa kanya,masungit parin siya. Ramdam ko parin iyon. Lalo na kapag sumusulyap siya sa akin kahit na nakangiti.
Si Emmanuel naman,nagkakaroon ako ng pagkakataon na tumitingin sa kanya. May nagbago na sa kanya. Iyong mukha niya mas lalo lang naging kaakit-akit ngayon. Iyong mga mata niya,hindi ko na mabasa. Iyong jaw line niya,iyong ilong na matangos,iyong labi....Teka! Bakit ba dinidescribe ko lahat sa kanya?
"Love I just go to the comfort room." Rinig kong Slsabi ni Cian. Rinig ko lang ba iyon I talagang nilakasan niya para marinig ko?
Tumango lang si Emmanuel at may ibinulong kay Cian kaya napangisi ito. Ewan ko ba pero nag-iwas nalang ako ng tingin at pilit na hindi sila marinig.
Umalis din ang dalawa naming kasamang babae at isang lalaki para tumingin ng mga kakilala nila. Bale kami nalang ni Emmanuel ang nasa table ngayon dahil si madam ivy ay busy sa pag iintertain.
Ang bait ng tadhana,ah.
So....ibig sabihin sila na nga?
"Yes." Parang isang brain reader si Emmanuel at nabasa niya ang tanong na nasa utak ko kaya sinagot niya.
Tumingin ako sa kanya. "What?"
"Alam ko na iniisip mo kung kami ba ni Cian and it's yes. Kami nga." Walang emosyon na sabi niya. Kung babalikan lang,masasabi ko na ganito ang nakilala kong Emmanuel noon. 'Yung kauna-unanhang pag-uusap namin .
"I didn't ask." Umirap ako. Napakayabang!
"Yeah but I know that it was a question in your mind and-"
"Hey bro! Sorry I'm late-woahhh,woahhh. Who is this beautiful lady?"
Parehas kaming napatingin sa kakarating lang na si Liam. Yes I remember him. Paano ko ba makakalimutan ang lalaki na ito kung minsan minsan din kaming nagkikita kapag nasa photoshoots ko? Minsan kasi kapag nag photoshoots ako ay na dun din siya,siguro nagkataon lang ang mga iyon. Dalawang beses lang naman iyon. At hindi kami nag-uusap.
Hindi parin siya nagbabago. Siya padin iyong nakilala ko noon. Gwapo siya,kagaya ng kapatid niyang si Emmanuel. Naging mas matangkad at matipuno nga lang siya ngayon kesa noon.
"Liam! It's nice to see you again." Tumayo ako at ngumiti para makipagkamay. Tinanggap naman niya kaagad iyon.
"Yesha? Wow,I can't believe that your still know me,huh?" He teased me. "And you look so gorgeous today,wow." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya napangiti ako.
"Oh, c'mon don't compliment me that much. Ako padin ito. At paano naman kita makakalimutan kung pangatlong beses na na'tin itong pagkikita,huh?"
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...