"Tapos na ako maka-enroll. Samahan kita bukas?" Tanong ko kay Blake mula sa kabilang linya.Pabalik na ako sa bahay ngayon dahil tapos na akong mag enroll para sa grade 12. Mag-isa lang akong pumunta dahil wala naman akong masyadong aasikasuhin tsaka same school din ang papasukan ko.
"Sge,basta ako na susundo sayo." Pinutol na niya yung tawag. Lately nagiging busy na siya at wala kaming masyadong time para lumabas. Busy siya sa coffeeshop niya,sempre ayaw naman niya iyong malugi pero napansin ko na masyado naman siyang naging tutuk doon sa mga nakaraang araw.
Ako naman ay hindi busy masyado. Minsan lang kapag sinasamahan ko si Emmanuel sa mga projects niya. Tapos na ang film nila at malapit na itong ipalabas pero ngayon palang ay nagkakaubusan na ng tickets tsaka marami na siyang projects.
Sinasabi rin niya sa akin kapag may interview siya kaya lagi akong nanunuod. Naka LISTA narin iyong mga sinasabi niyang date sa cellphone ko kapag may pupuntahan siyang related sa career niya.
Pagkarating ko sa bahay hindi na ako nagulat nang makita ko ang sasakyan na minamaneho ni kuya Jeff sa garage. Andito siya ibig sabihin ay may pupuntahan na naman kami kung hindi sa taping ng bagong commercial niya kasama si Cian ay mamamasyal kami. Nasanay narin kasi ako na kapag andito siya ay lagi kaming may pinupuntahan.
"Babe..." Napatayo siya nang makita akong pumasok. Kahit na kami na ay naiilang parin ako sa tawag niya sa'kin. Nakakakilig lang.
"Hi," bati ko. Napatingin ako kay manang na nasa kusina. "Ate si mommy po tsaka si daddy?" Ang pagkakaalam ko kasi ay naka leave si daddy ngayon tsaka si mommy wala siyang dahilan para umalis ng bahay.
"Pumunta po sa hospital ma'am, tas susunod po doon yung daddy niyo."
Nakaramdam kaagad ako ng pag-aalala kay tita Tess. Nalaman ko kasi na kaya pala laging pumupunta si mommy sa bahay nila ay para alagaan ito dahil nag-aaral din sila Shiela at Evan. Lumala ang sakit niya kaya nilagay na siya sa hospital. Nag-aalala rin ako sa mga pinsan ko.
Pumunta kami sa studio nang nakabihis na ako. Tanghalian na at hindi pa ako kumakain pero ayos lang basta masamahan ko lang si Emmanuel ngayon dahil alam kong kailangan niya ako.
"Naka enroll kana?" tanong niya sa akin habang inaayusan ko siya. Simula din kasi nung naging kami ay gusto niya ako na ang mag-ayos sa kanya.
"Yes...babe." mabilis na sagot ko habang nilalagyan ng wax ang buhok niya. Nasa likod niya ako. Nakatayo ako at nakaupo naman siya sa swivel chair.
Tumingala siya sa'kin nang nakangisi kaya napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. Bakit na naman nakangiti ang lalaki na'to?
"Can you say it again," aniya na ikinakunot ng noo ko.
"'Yung alin?" Tumaas ang isang kilay ko.
"E...dali na...," Pilit niya.
"'Yung alin nga?" Natatawang tanong ko dahil ang cute ng mukha niya. Nakatingala parin siya kaya kita ko iyong matulis na adams apple niya.
"Y-yung babe?..." Napalunok siya.
Napaangiti ako ng malawak. "Babe?" Patanong na sabi ko,hindi sigurado. Gusto ko siyang inisin. Ang cute niya kasi.
"You know? Mas gusto kong sinasabi mo 'yan ng 'di nagbibiro..." Masungit na sabi niya. Nagbaba siya ng tingin.
Tinignan ko ang repleksyon niya sa salamin. Nakaiwas siya ng tingin sa akin.
"Okay,sorry na babe. Ang cute mo lang kasi kapag nangugulit ako." Paliwanag ko pero di parin niya ako pinapansin.
BINABASA MO ANG
Closer to you (Passion series #1)
Teen FictionMaraming nakakakilala. Maraming pumupuri sa bawat gawa ko. Maraming taong nagmamahal saakin. Maraming may gusto saakin pero paano kung pati yung taong Mahal ko ay kailangan diktahan ng iba? Kailangan ba ng permiso nila para mahalin ko siya? Paano k...