36>Apologies

4 1 0
                                    


"Yesha! Hala,I miss you so much!" Niyakap ako ng mahigpit ni Sandy na para bang hindi ako nakita nang ilang dekada,wows. "Hala! Artista ka na talaga! Tignan mo oh!" Dagdag niyang sigaw.

Napatingin tuloy ako sa paligid. Baka may nakarinig! Nakakahiya.

"Hoy! Shhh,ka'nga baka may nakarinig!" Suway ko sa kanya at inilagay ko pa ang hintuturo ko sa aking labi.

Tumawa naman siya at humalukipkip. "Ikaw,ah! Hindi mo sinasabi na nagkita na pala kayo ni Emmanuel," aniya nang nakataas ang isang kilay habang nakasilay ang bakakalukang ngiti sa labi. "So,anong latest? Nagkaroon ba ng spark?"

Kumunot ang noo ko habang natatawa sa kanya. "Ano ka ba? Nagkita nga kami pero sempre walang pake,pakealam ko dun? Tsaka anong spark? Naku,hindi na ako bata para d'yan!" sagot ko.

Kakarating ko lang dito hindi man lang ako pinatuloy sa kung saan sila tumutuloy. Chismis at chika kaagad ang bungad sa akin. Pero in fairness,naging mas maganda si Sandy ngayon. Naging fresh ang babaeita. Naging jowa lang si Lymes naging hinog na avocado na.

Maganda ang Dalampasigan dito. Hindi kagaya ng mga pinupuntahan kong beach noon. Mas maganda at feel na feel mo talaga dito ang sariwang hangin. Napakapinu ng puting buhangin at marami ang nagkakalat na mga buko at sa pagitan nito ay may ilaw,sa tingin ko ay pinapailawan kapag gabi para pwedi paring lumabas.

And the most I like in this place as I first saw it is the shanties the made of wood and bamboos. It's looks nice and refreshing,you don't need to go out inside just to inhale a fresh air. Kompleto din ang gamit dito sa loob gaya ng kinuhang kwarto para sa akin ni Sandy. May kama,maliit na kusina,banyo at may dress stocks din sila. Tanaw na tanaw ang malinis na alon at kung paano ito humampas.

Siguradong magugustuhan ko dito.

Pagkatapos kong ilagay at iayos ang mga gamit ko ay tinawag na ako ni Sandy para makapaghapunan na kami kaso biglang tumawag si mommy sa akin kaya sinabi ko nalang na hatidan ako ng pagkain dito kung hindi nakakaabala at para naman makapag dinner sila ni Lymes ng sila lang. Para namang ako 'yung third wheel nu.

"Yes,mom. Hindi naman po ako magtatagal dito-yes,opo."sagot ko sa mga tanong ni mommy mula sa kabilang linya. May naririnig din akong ibang boses na kasama niya sa palagay ko'y si Tita.

"Sge,anak. Take care. Ikamusta mo nalang ako kay Sandy,okay? Bye,love you," aniya bago ibinaba ang tawag.

Binaba ko nadin ang cellphone ko at pumunta sa kusina para kumain. Adobong manok at tinapa with kamatis at puting sibuyas na may bagoong ang inihatid ni Sandy para sa akin. Ang sarap naman.

Nagsimula na akong kumain at unti-unti ko nang nararamdaman ang simoy ng malamig na hangin. Nakabukas din kasi ang bintana kaya malamig. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko tsaka ako lumapit sa may bintana para sana isara ang iyon pero natanaw ko ang kaninang mga ilaw sa pagitan ng mga buko. Dim ang ilaw ng mga iyon na siyang nagsisilbing liwanag.

Ewan ko kung bakit pero naisipan kong lumabas at lumapit doon. Nakapagpalit na din ako ng damit at kumuha ng jacket para di' gaanong lamigin. Maliwanag ang gabi at puno ng mga bituwin ang langit.

May naalala tuloy ako pero di' ko nalang iyon gaanong inisip. Bakit ko pa iisipin kung wala na diba?

Bakit ba kapag may mga bagay na pilit mong kinakalimutan ay iyon palagi ang iyong naalala? Masyado na bang traydor ang puso para lang masunod ang nasa utak? Kailangan ba talagang maalala ang mga bagay na hindi naman na dapat? Bakit mo pa alalahanin kung wala ka naman nang karapatan diba? Bakit pilit na bumabalik sa isip kung dapat ay hindi na?

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon