|27|>worsted

5 2 0
                                    


"Arhh....," mahinang daing ko nang maramdaman ko ang pananakit ng aking ulo.

Napahawak ako sa ulo ko na kahit nakahinga ay ramdam na ramdam ko ang kirot. Dahan-dahan din ang pagdilat ng aking mata dahil ang hapdi. Napabangon ako at muntik ko pang nakalimutan kung nasaan na ako.

Nasa bahay na pala ako nila Tita Tess dito sa Nueva Ecija. Sa pagkakaalam ko ay dito ako natulog sa kwarto ni Shiela. Kulay pink ang kulay ng wall dahil sa babaeng-babae talaga siya. Marami pa siyang teddy bears sa kwarto niya at mga sticky notes na nakadikit malapit sa study table niya. Mahilig kasi siya sa mga notes.

Bigla kong naalala iyong nangyari kahapon. Pinuntahan ako ng pinsan ko pero paano niya nalaman ang kinaruruonan ko? Bakit siya dumating? Nag-alala ba siya ng husto sa akin?

Napapikit ako nang maalala ko si Tita Tess. Nanggilid kaagad ang luha sa aking mga mata nang malala ko ulit kung paano umiyak si Evan habang kayap ko siya. Kung paano siya nanghina.

Iyong akala kong matapang na pinsan ko na parang walang pakiramdam ay umiiyak din pala. Iyong pinsan ko na seryoso lagi umiyak sa harapan ko. Sobra sobra ang pagsisis ko dahil sa pagpunta ko sa wala. Sa tingin ko ay malaki ang aking kasalanan. Kasalanan ko na hindi nakita ni Evan ang mommy niya bago ito mawala.

Tuluyang tumulo ng sunod sunod ang luha ko dahil sa pagsisisi sa sarili ko. Naging mabait sa akin si tita Tess. Siya iyong nag-alaga sa akin nang bata palang ako at dito nakatira. Hindi siya nagdamot sa akin pero ngayon,kahapon,parang pinagdamot ko sa anak niya na makita siya sa huling sandali niya.

Hindi ko alam kung dapat bang magalit ako kay Emmanuel dahil pinag-antay niya ako nang matagal o dapat bang intindihin ko nalang ulit siya dahil sa nangyari? Wala naman siyang kasalanan pero bakit....bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may mali sa pakiramdam ko.

Napabuntong hininga ako at pinunasan ang luha ko. Nagmadali akong tumayo para hanapin ang cellphone ko para makita kung may tawag ba o text si Emmanuel sa akin kahit na masakit ang aking ulo. Di' ko alam kung dahil ba ito sa nasobrahan ng tulog o baka dahil sa ulan.

Kahit na anong halughog ko sa kamang pinagtulugan ko at mga gamit dito sa loob ng kwarto ay wala akong mahanap na cellphone ko. Tanging cellphone lamang ni Shiela ang nakita ko na nasa study table niya.

Sana ko kaya nailagay ang cellphone ko? Nang pumunta kami dito ni Evan ay di' ko na napapaansin kung saan ko nailalagay ang mga gamit ko.

"Asan na 'yun?" bulong ko pa sa aking sarili.

Pumamewang ako dahil sa wala akong makita na cellphone. Baka nasa baba?

Tatalikod na sana ako para bumaba at hanapin ang cellphone ko pero narinig ko ang sunod sunod na pagtunog ng cellphone ni Shiela kaya napatingin ako doon.

Nagdalawang isip pa ako kung titignan ko ba o hindi dahil kabastusan iyon pero namayani sa akin ang pagpasya na buksan iyon dahil baka emergency iyon.

Pero nagulat ako at nagtaka sa mga messages na natanggap ni Shiela mula sa mga di ko kilala na siguro'y mga kaibigan niya. Walang password ang cellphone niya kaya nabuksan ko iyon at nabasa

Athena:

Diba pinsan mo'to?

Nakita mo ba?

Shane:

My ghad! Totoo ba ito?

Si  Yesha ba ito? Grabe.

Napaupo ako sa dulo ng kama bago ko binuksan ang sinasabi nilang ako daw ba iyon na chat ni Shane.

Nakita ko ang picture na insend nila. Napakagat pa ako ng ibabang labi ko dahil sa kabang nararamdaman. Bakit ganun sila maka react? Bakit ano ba iyong sinasabi nilang 'ako daw ba iyon?' Napuno kaagad ako ng takot at panlalamig sa buong katawan ko nang makita ko ang isang litrato na kaming dalawa ni Emmanuel.

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon